"Pag-ibig ng Ina": My Filipino Own Poetry.
"Pag-ibig ng Ina"
Binibigyan ka palagi ng halaga,
Ang kabutihan mo ang tanging hangad
Kaya't ikaw ay sobrang mapalad
Buhat ng pagmamahal sayo ng iyong Ina.
Kahit minsan ikaw ay pinagbuhatan
Para lang matama ang iyong kamalian.
Para lang mabigyan ka ng mabuting kinabukasan.
Kahit minsan man ay ikaw ay hindi naging magalang at halang
Tinatanggap ka parin ng buo ng iyong magulang.
Lagi mo siyang ina-alala
Paano ang mabuhay kung wala na ang Ina
Lalo na't hinahanap-hanap mo ang kalinga ng Ina.
Dahil siya ay nag-iisa
At tanging taong gagabay
Sa lakbay ng iyong buhay.
I LOVE YOU SA AKING PINAKAMAMAHAL NA NANAY
Visit my blog to view my own poetry :)
https://steemit.com/@garnan1111
Nice one @garnan1111. 👍