Pagsibol

in #poetry2 years ago

mga maliliit na pag uumpisa
umuusbong at tuloy tuloy sa pagtubo
ngunit paano babalikan ang mga naiwanang
Punla ng kahapon gayong ang hawak mo
Ngayon ay mga bagong butil
Na naghihintay ding makasilip
Sa liwanag ng kinabukasan
Kakayanin pa ba ang pagod na kahit ginawa na'y nagiging isang aksaya ng pagkahinayang mula
Sa butil na baon na sa limot
para sa punlang hinahanap

Bakit malupit ang mundo
Kahit tag araw na
At maayos ang panahon
Mababakas mo pa rin ang mga sakripisyo at dusa
Na tila isang patak ng luha
Sa tigang na lupa
kung pumatak man ang ulan
Kahit bumagyo, kumulog at humampas ang hangin
Laging nagbabalik ang madilim na nakaraang
Kumukuyog sa iyo sa kailaliman ng karagatan

Bukas na bukas
Parang pintuan mang nakasara
Nasa iyo pa rin kung pagbubuksan mo
O kakatok ka sa Kanya
Alaala man na mapait at masayang naiwan
Kung alam mo lang
Para yang butil sa maruming lupa nakataya
At pag umahon parang isang magandang bunga

Written by jonj22 08/19/2022
Poem scrapping
B612_20220720_182037_407.jpg