"Sa Pagitan ng Buhay At Kamatayan"

in #poetry7 years ago (edited)

maxresdefault.jpg
image source

Parang maliit na sinulid
Ang nagdudugtong sa salitang buhay at kamatayan,

Bawat minuto ay may buhay
Bawat pag asa may kasabay na kutsilyo na pumutol sa sinulod na nagdudugtong
At ang barko ng buhay ang unti-unting lumubog.

Tumataghoy sa huni ng tamis ng pagsilang
ang matandang bata ay nagsuot ng damit,

At Ang saya ng umaga ay natatapos sa gabi,
ang buhay at kamatayan nga ba tinahi ay ng tadhana?
Ang buhay ngaba ay hinubog sa ilalim ng kapangyarihan ng kamatayan?
Sa bawat pag kislap ng mata animo'y isang alila.

Ang abo at berdeng punong kahoy ay yumuyuko
Sa hangin nuon at hanggang ngayon

Oo,hindi na nakakatayo at ang alam nila ito ay wala ng kabuluhan,
Ang marupok na sinulid ay pinutol
At ang pagkaputol ay tunog ng isang malutong na mani.

Ito ay syang katawan at ang kaluluwa ay humihiwalay sa isa't isa,
At ang bawat isa ay lumihis ng landas
Ang isa ay papunta sa hukay na gustong humalik sa lupa at ang isa ay nagpaanod anod sa hangin papuntang malayo,

Yan ang marka ng katapusan ng buhay at ang
ang kamatayan ay nagsisikap para walang katapusang daloy.

Ang bibig na kumakanta at pumupuri
Aba! Ay tumataghoy,

umiiyak at tumitili
Ngayon ang sinulid ng buhay ay naputol
Ang kabuuan ng buhay ay isa pero
Ang pagawa nito ay hindi kanais-nais
At ang sinumang sumandal dito ay hindi nakakaligtas.

Pahina ng pahina Ang ilaw ng buhay,
Unting-unting lumulabo ang pokus ng linya ng buhay o kamatayan,

sapagkat ang dalawa ay pwede magbigay ng pahiwatid para tayong mga tao ay madilat kong kailan ang ating katapusan para yakapin ang kamatayan.

Sort:  

This post has been upvoted for free by @nanobot with 5%!
Get better upvotes by bidding on me.

char kaayo boss oy!

tsehaha, nilukso nasad poem ray makaya mdm.hehe

hahahahahaha yeko ra na kaayu boss uy. chuy mn gd

haha ok nalang mdm. 😂😂 pero ok ra kay naay ni appreciate hehe naluy.an pa haha

hahahahaha keep it up! Post lang ng post.

yes mdm.post lng ng post c oks hehe para sa ikabayad este sa ekonomiya diay haha

hahahahhahahahhaa ok rna boss haha