Talaarawan ng Isang Nangangarap: KAHILINGAN
Minsan siya ay aking nakita.
Habang nakatingala sa langit at tulala.
Di inaasahang bulalakaw ay mapadaan.
Isang hiling dito ay inilaan.
Kasiyahan.
Iyon ang nasambit niya.
Hindi para sa sarili kundi para taong ngayon lang niya nakilala.
Dahil sa kwento na sa kanya'y labis na nagpadusa.
Mga ngiti sa kanyang labi ang gusto niyang makita.
Sa isang dako nama'y hinagis niya ang baryang sa kanya'y natitira.
Sa balong pinapaniwalaang kahit anong hiling ay papakinggan ka.
Pinagsiklop ang mga palad at humiling na sana.
Totoo man o hindi ay susubukan lang niya.
Sana sa pagkakataong ito ay kaya na niya.
Harapin ang taong inaakala niya'y hindi na makikita pa.
Lakas ng loob ang kailangan talaga niya.
Dahil sa pagkakataong ito'y hindi na niya papakawalan pa.
Sumapit ang gabi at lahat ay nakangiti.
Isang pagdiriwang na nakakawili.
Gasa ng mga lamparang papel ay sinindihan na.
Paglipad nito sa ere kasama ang simpleng kahilingan binulong niya.
Dalhin ng lamparang ito sa himpapawid.
Mga hinanakit ng pusong nasira ng pag ibig.
Palayain ang puso mula sa sakit.
Patibayin ang isip para di na muli pang maulit.
Hiningi din na sana ay makarating sa kanya.
Masaya at tanggap na talaga nila.
Mga singkit niyang mata'y di na makikita pa.
Ngiting abo't tengang nakasanayan nila'y wala na.
Pero ayos na sila dahil alam nilang masaya na siya kasama NIYA.
Mga hiling na kung tutuusi'y imposibleng mangyari.
Pero bakit nga ba tayo'y naniniwala pa din sa huli?
Ngunit pag nakikita ko ang mga ngiti sa kanilang labi,
Sa mga kahilingang hiniling sa wakas ay naintindihan ko din.
Pag-asa ito ang binibigay nila.
Paniniwala na ang mga bagay bagay ay pwedeng mangyari pa.
Sa kahilingan ito'y dinadaan nila.
Nararamdaman ng puso at isip nila.
Nabubuhay sa puso.
Salitang sa bibig ay binuo.
Binulong ng marahan sa hangin.
Mga hiling na sa puso nanggaling.
Ikaw ba ay may hiling din?
Kung ganoon saan mo ito naisip hingin?
Sa bituin ba o sa balong malalim?
Kahit naman saan basta taos puso ito'y mangyayari din.
Ikaw ba ay may kahilingan din?
Halika pakinggan natin.
Maraming salamat sa mga naglaan ng oras para basahin ang simpleng tulang aking ginawa :)