A REINCARNATION CASE (DOROTHY EADY)
WHAT IS REINCARNATION?
◾️Rebirth of a soul in a new body.
◾️A new version of something from the past.
◾️A person or animal in whom a particular soul is believed to have been reborn.
◾️A philosopical or religious concept that an aspect of a living being starts a new life in a new and different body.
Ang apat na iyan ay ilan lamang sa mga definition ng Reincarnation. Ang reincarnation ay isa sa mga sentro ng mga major Indian religions gaya ng Hinduism, Buddhism, Jainism at Sikhism at ang ideya nito ay matatagpuan din sa ancient cultures ng mga Greek. Samantalang hindi naman naniniwala dito ang tatlong Abrahamic religions: ang Christianity, Judaism at Islam. Pero totoo nga ba talaga ang reincarnation? Halina at ating basahin ang kwento ng isa sa mga kontrobersyal na reincarnation case sa kasaysayan:
Si Dorothy Eady ay isang makulit na bata, Takbo dito, takbo doon. Laro dito, laro doon. Tatlong taong gulang noon si Dorothy ng isang umaga, tumatakbo siya pababa ng hagdan sa bahay nila sa London ng madapa siya at mahulog. Nabagok ang kanyang ulo at dead on the spot siya. Pero isang himala ang nangyari, nagising bigla si Dorothy, at labis ang tuwa ng kanyang mga magulang.
Taong 1908, habang namamasyal sa British Museum, napansin ng mga magulang ng bata na kakaiba na ang kinikilos ni Dorothy, lalo na nang dumating sila sa Egyptian section ng museum. Ayaw niya na umalis doon at sobrang na-amaze siya sa mga artifacts lalong-lalo na sa mummy na naka-display kung saan nakita pa ng parents niya na hinahalikan niya ang paa ng mummy.
Matapos ang insidenteng iyon, lalong nag-iba ang kilos ni Dorothy. Lagi na siyang nakatingin sa mga picture ng Ancient Egypt sabay sabing doon siya nakatira at gusto niya nang umuwi doon. Mas lalo siyang na-excite ng makita niya ang picture ng Temple of Seti at patakbo siyang sumisigaw sa kanyang papa sabay sabing iyon ang bahay niya.
Lagi ring napapanaginipan ni Dorothy ang mga building at ang mga tanawin sa Ancient Egypt. Ang mga ito ang naging dahilan ng lalo niyang pagkahilig sa Ancient Egypt at sumali siya sa ilang mga grupo na nag-aaral tungkol dito at pinag-aralan din niya ang reincarnation at spirituality.
Lumipat siya sa Cairo matapos siyang makapangasawa ng isang Egyptian at pinangalanan niya ang anak nilang Seti. Pinangalanan din niya ang kanyang sarili na Omm Sety, at ayon sa kanya, iyon ang kanyang pangalan noong past life niya. Hiniwalayan siya ng kanyang asawa dahil sa kakaibang habit ni Omm, lalo na ang pagsambit niya ng mga random hieroglyphics tuwing gabi. (Siyempre nag-freak out si mister sa habit na ganito ng misis niya)
Sinulat ni Omm/Dorothy ang mga hieroglyphics at umabot ito ng 70 pages. Nakapaloob doon ang mga detalye ng past life niya. Dati pala siyang priestess sa Kom el Sultan Temple at nabuntis siya ni Pharaoh Seti noong 14 years old lamang siya, nilabag niya ang batas ng mga priestess na manatiling birhen, at dahil dito, nagpakamatay siya para hindi maparusahan ang Pharaoh dahil sa pagkakabuntis sa kanya. Laman din ng hieroglyphics ang spiritual encounter nila ni Pharaoh Seti kung saan may plano silang magkita at magsama ulit sa Egyptian underworld.
Marami ang hindi naniniwala sa kwento ni Omm/Dorothy at tinawag siyang baliw ng karamihan. Pero marami ang namangha ng ituro niya sa mga archeologist ang eksaktong lokasyon ng Temple Garden. Tinuro rin niya ang isa pang tunnel na hindi pa nadidiskubre sa hilagang parte ng templo. Namatay si Omm Sety/ Dorothy Eady noong 1981 sa Temple of Abydos. Walang makapagpaliwanag ng maayos sa mga memories, dreams at knowledge ni Omm tungkol sa Egypt, at marami pa rin ang namamangha kung si Dorothy Eady ba talaga ang reincarnation ng Egyptian Priestess na si Omm Sety.
Ano sa palagay niyo? Totoong reincarnation case kaya ito or gawa-gawa lang niya? Happy Reading!
"FINDING SOMETHING GOOD WITHOUT LOOKING FOR IT."
Hi! I am a robot. I just upvoted you! I found similar content that readers might be interested in:
https://www.facebook.com/deepwebenigma/posts/1706519162750010