Talumpati Para sa Kaibigan (Filipino Speech for a Friend)
Ano nga ba ang kahulugan ng kaibigan? Sa paglipas ng panahon, ang salitang kaibigan ay tila nag-iiba ng kahulugan.
Tila ang kaibigan ay nag-iiba depende sa libel ng edukasyon, edad, at antas sa lipunan.
Karamihan sa atin sinasabing ang kaibaigan ay palaging nandiyan sa anumang oras lalo na ng pangangailangan.
Pero tanong ko lang, natingnan mo na ba ang iyong sarili kaibigan? Ikaw ba ay kaibigan sa lahat ng pagkakataon? Ikaw ba ay kaibigan anuman ang antas sa lipunan? Ang pagkakaibigan ba na iyong maibibigay ay hindi mapanghusga bagkos ay mapang-unawa?
Kaibigan. Napakagandang pakinggan ang salitang kaibigan. Pero isang napakalaking responsibilidad.
Ang tunay na pagkakaibigan ay kayang lampasan ang anumang hamon sa buhay. Lumipas man ang maraming taon, nananatili ang pagkakaibigan.
Kung gusto mo makahanap at mapalibutan ng mga tunay na kaibigan, magsimula ka sa sarili mo.
Maging mabuti kang kaibigan sa iyong mga kaibigan.