Ang mga Bagay na dapat Ipasalamat sa Steemit | Ang Mensahe ko sa mga Steemians na Bago sa Plataporma
Be thankful for what you have; you'll end up having more. If you concentrate on what you don't have, you will never, ever have enough. - Oprah Winfrey
Ang mga Bagay na dapat Ipagpasalamat sa Steemit
Sa aking paglalakbay sa Steemit galing pang June 2017 at paano nakatulong ang plataporma sa aking mga pangangailangan bilang isang esturyante, personal, at bilang miyembro ng isang pamilya ay napakalaking utang na loob sa akin. Nag-iba ang lahat sa aking buhay.
Ako'y lubos na nagpapasalamat sa plataporma ng Steemit. Naging parte na ito ng buhay ko sa lumipas na walong buwan. Kung gaano ako pinagpala ng Steemit at paano ito ipinapamahagi ang mga gantimpala sa mga users. Isipin mo ang Steemit bilang insentibong Reddit at yan ang kahulugan ng Steemit kung i kokonsidera natin lamang ang "tip of an iceberg" nito. Yan para sa akin ang pinakamainam na depinisyon ng Steemit. "Ang mga tao ay ginagampalaan sa mga sulat na kanilang ibinabahagi".
Higit pa diyan
Kita ang pinakaunang rason kung bakit ako sumali sa platapormang ito. Noong ipinakilala ni @themanualbot ang Steemit sa akin at ipinaliwanag sa akin ang basic na konsepto ng Steemit. Nagmadali akong magsign-up dahil sa tingin ko ito'y magandang lugar para ipuhunan ang aking oras. Na ang platapormang ito ay ang solusyon sa aking pangangailangan sa pinansyal at oo, ito nga ay naging solusyon.
Maraming mga bagay na dapat ipasalamat sa Steemit. Sa akin ay ang pangangailangan ko sa pinansyal pero ang Steemit ay nagbigay ng marami sakin. Ang mga oportunidad ay lampas pa sa iniisip natin kung ikonsidera ang napakamurang edad natin at bilang estudyante. Ako'y lubos na nagpapasalamat dahil mas lumawak pa ang aking network, nakakuha ng maraming mga kaibigan, at pinakaperpektong site para mahubog ang aking kakayahan!
Ang Mensahe ko sa mga Bagong Steemians
Maraming mga beses, normal nag nagsusulat ako ng comment sa mga Steemian's introductory posts. Marami sa mga iyon ay natutunan ko kay @surpassinggoogle, @donkeypong, at ang @sndbox para sa kanilang karunungan at mga pangitain sa pagpapalaganap ng mga komunidad. Marami akong natutunan sa kanila at ako'y lubos na nagpapasalamat. Natutunan ko na ang Steemit ay hindi lamang isang blogging platform. Ito ay incentivized social media platform.
Pero higit pa diyan. Ang Steemit din ay :
Perpektong lugar para mapabuti ang iyong pagsusulat.
Magandang lugar para matuto sa mga sulat ng iba at napakaraming mga paksa.
Lugar para ibahagi ang iyong kakayahan, talento, at kadalubhasaan.
Magkaincome dahil sa Steemit!
Isang perpektong site upang malaman ang tungkol sa Bitcoin at cryptocurrency (na talagang bago sa karamihan ng mga FIlipinos).
Isang lugar upang makihalubilo at makakuha ng maraming kaibigan!
Upang ihanda ang iyong mga kasanayan.
Upang mapalawak ang iyong network!
Upang gawin ang mga pagkukusa sa komunidad gamit ang pondo sa Steemit!
At higit sa lahat :
"Upang maging isang mas mahusay na bersyon ng iyong sarili"
May marami tayong magagawa sa Steemit!
Lalo na sa iyo, mga napakaswerteng henerasyon ng mga Steemians. Ang presyo ng SBD at STEEM ay tumataas higit pa sa value na aming natatanggap dati! Para sa mga namumuhunan, makukuha mo ang balik ng pinuhunan mo araw-araw. Para sa mga tagapagsulat, mayroon kang kita sa araw-araw sa loob ng isang 7 araw na payout period. Para sa mga performers, artists, at iba pa - makakakuha ka ng earnings araw araw!!
napakahusay po ng inyong pagkakalathala. madami pong aral ang mapupulot naming mga baguhan , maraming salamat po sa pagbahagi ng kaalamng ito 👍👏❤️❤️❤️
Nakakahanga ang iyong nakamit na tagumpay dito sa platapormang ito. Nakakabuhay loob din na nasolusyonan mo ang iyong problemang pinansyal sa walang palya mong pagpursege dito sa Steemit. At higit sa lahat, nakakataba ng puso na naipapamahagi mo ang iyong narating sa mga taong sumusuporta sayo. Idol!
Lodi na lodi! May nanalo na hehe. Seriously, kakainspired yung post mo bro. Mejo may kakaiba lang ng konti sa paraan ng pagsasalaysay mo. Pero ayos, astig! Makakatulong to sa mga newbie like me. Upvoted ko na.
Maraming salamat sa makabuluhang impormasyon😊 thumbs up!
sir @jassennessaj. Thank you for sharing your gratitude here. We, my newbie friends together with @kim24 @cy23 are looking forward to talk to you more about this.
You serve as a role model for people in this community especially for students. Kuya @jassennessaj salamat po sa lahat. Keep supporting us newbie poh dahil Ito at isang pinakamalaking upportunidad para sa amin . More power!! 😉👍
maraming salamat sa iyong inilhad na mensahe :) sana ay maging inspirasyon kapa ng karamihan ,na hindi lang tinitingnan ang pansariling kabutihan...lalo na sa support mo sa mga newbie lang dito kagaya ko salamat po talaga :)
Namomotivate ako nito. Salamat sir. Newbie po here 😊