Fears In Love Part 5 (Her Tears) | 03.11.22

Fears In Love: Prologue

Fears In Love: Part 1 of 15 (Crabby)

Fears In Love: Part 2 of 15 (Distraction)

Fears In Love: Part 3 of 15 (Real boss)

Fears In Love: Part 4 of 15 (Who are you?)

png_20220128_033326_0000.png

Dwayne Alfie’s POV

I felt it awkward to be asked by her with such question like that. I don't know what to answer, I just want to be here and be free from works.

I know she's crabby as what Zac said. But I feel comfortable with her.

Siguro nasanay na talaga ako sa kanya. Within five years as Vice President of this company, I had some secretaries, but not all of them stayed. Only her who stayed for 3 years!

Naglalakad kami ngayon pero huminto siya “Gusto ko talagang maranasan yan” turo niya sa roller coaster ride “Pero natatakot ako, baka magkaroon ng aksidente, mahulog pa ako.”

Tumingin ako sa banda kung nasaan ang ride.
Alam kong regular maintenance ang ginagawa ng mga trabahante sa park na ito para mapanatiling ligtas ang kaniyang services.

“Don’t worry. Hindi ito gaya ng ibang parks na low maintenance.” I said cause I trust this park. “Do you wanna try it?” sandali siyang napatitig sa roller coaster, seryoso siya, nag aalinlangan at halatang natatakot. “Andito naman ako, matatakot ka?”

“If you're scared, let's just see anothe-”

“I want to..t-try.” nauutal pero alam kong natatakot siya.

“Are you sure?”

“Oo nga! Ang kulit mo naman.”

“Ha! Hahaha, ayan ka nanaman at nagsisimula ka nanamang mag sungit.”

“Hindi. Tara na!”

Nauna siya sa paglalakad, napangiwi at napailing lang akong sumunod sa kanya. Marami nang naka pwesto at ilang sandali nalang aandar na ito.

Napatingin ako kay Brielle, tahimik lang siya, alam kong kinakabahan.

“Ayaaan naaaa!”

“Gosh! Magsisimula na!”

“Walang mahihilo ah!”

Mga sigawan ng mga kasama namin.

Ilang sandali lang talaga’y nagsisimula na. Hindi pa ito nakakahilo noong una, the ride is chill pero ilang minuto lang, nagsimula na ang bilis na takbo nito!

Nakakabinging hiyawan ng mga taong naka sakay, pero hiyaw ni Brielle na talagang takot na takot ang naririnig ko.

Nasa pinkataas na kami ng rides, ramdam na ramdam kong nag eenjoy naman siya ngunit natatakot.

If only I can hug you...

In a very fast ride on this roller coaster, I felt everything goes into slow motion while I am watching her. My eyes laid just beside me, just laid in her.

Nililipad ng hangin ang kaninang maayos niyang buhok, ngayon magulo na. Namumula ang kanyang pisngi, matangos ang ilong at manipis, pinkish ang kanyang labi. Sharpy ang mga mata niya, parang masungit, pero masungit talaga. Overall, she's my type.

Type

Let's say, kind of my type.

I smiled when I saw her being nervous and enjoying it at the same time.

Pero sandali akong natigil.

Ang kanyang malamig na kamay ay nasa aking braso. Hindi niya ata napapansing nakahawak na siya sa akin. Naka long sleeve pero nanipis lang ang suot ko ngayon, kaya ramdam ko ang malamig niya mga daliri na naka hawak sa aking braso.

“S-sorry.” mahinang usal niya pero rinig na rinig ko kahit maraming sumisigaw.

Sa sandaling ito, alam kong nilalabanan niya ang takot niya.

But instead of answering words, I just smiled. Binababa ko kamay niyang naka hawak sa aking braso. Then I hold her hand tight...tight, for the very first time.

I know we shook hands before but I find it strange I'm feeling this way.

Napakalambot ng kamay niya, ang mahabang mga daliri niya’y sumasakto sa aking mga daliri.

Iba ang pakiramdam ko, naghahalong kaba at tuwa habang nahahawakan ko ang kamay niya.

Nabigla siya sa ginawa ko kaya, nanlaki ang kanyang mga mata, sa gulat, at di maipaliwanag na nararamdaman ang bumabalot sa akin ngayon.

Parang tumigil ang ikot ng mundo, kahit nasa roller coaster rides kaming pareho, hindi alintana ang malakas na hiyawan, ang bilis ng takbo at kung ano man ang nangyayari sa paligid.

Naging kalmado siya pero nanatili lang tingin sa aking mga mata.

I smiled.

__

Brielle’s POV

Takot ako sa heights, yan ang totoo. Pero kataka takang, hinaharap ko ito ngayon.

“Andito naman ako, matatakot ka?”

Sa salitang iyon, naging kampante ako. At inisip ko ring kung hindi ko haharapin ang takot ko, walang mangyayari, matatakot at matatakot ako. Pero dahil si Dwayne Alfie ang kasama ko, nagtiwala ako.

Sa bawat pataas at pababa namin, hindi ko maiwasang manahimik, kinakabahan ako at lahat ng kaba napunta sa sigaw.

Mas lalo na noong bumilis ito ng bumilis!

Pero nahinto ako kakasigaw noong napahawak ako sa braso ni Dwayne. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy mula kamay hanggang sa katawan ko. Hindi ako nagpahalatang may kung ano akong naramdaman!

Pero nagulat ako noong tinanggal niya mula sa braso niya ang kamay ko, unti unti niya itong binaba, akala ko tapos na pero hindi pala!

Lalong kumalabog ang puso ko noong hinawakan niyang mahigpit ang kamay ko.

Natahimik ako! Natameme! At ang tingin ay nasa kanya lamang!

Pero ang hindi maintindihan, balewala ang takot na kanina ko pa nararamdaman. Parang tumigil ang mundo at siya lang ang nakikita ko.

Ano ba ang pakiramdam na ito? Kakaiba, di ko mawari. Ano ba?

Seryoso din siyang nakatitig sa akin. Halatang nagulat din sa ginawa niya pero binabasa niya ang naging reaksyon ko. Mapupungay ang mata niyang nakatingin lamang sa akin.

He smiled. I'm still in shock!

Pero ilang sandali lamang ay niluwagan niya ang kamay niya. Akala ko bibitaw na siya pero nagkamali ako.

Unti unti niya pinaghiwalay ang aking mga daliri, he inserted my fingers in between his fingers! Napakurap kurap ako at napaawang ang labi sa pagkakagulat.

Eto yung klase ng holding hands para sa mga mag gf/bf pero, ano tong ginagawa niya.

Dwayne Alfie...

Bakit niya pinaparamdam sakin ang ganito? Hindi ko pa nararamdaman to, naninibago ako sa totoo lang.

“Let’s stay like this, even just... for a while.”

For a while...

You fool! Yes, for a while dahil alam niyang takot ako ngayon, he just wanted me to keep calm that's why he did that!

Remember, may hinihintay ang lalakeng to.

Ang kaninang kung ano man ang tawag sa nararamdamang iyon ay napalitan ng iritasyon.

Fool...you self, he’s waiting for someone he love.

At kung paano ko nasabi yun, ewan ko.

“Hmm ewan ko sayo Laila! Puro ka kalokohan, syempre gagawin niya yun kasi, natatakot ako!”

Dahil sa pangungulit ni Laila kaninang hinatid ako ni Dwayne, napaamin tuloy ako. Kinuwento ko lahat! Para matahimik na rin siya.

“Jusko! Hannah Brielle Fernandez... kinikilig ako sa inyo!” kunot noo ko siyang tinignan.

“Anong nakakakilig?”

“Kayo! May holding hands pang nalalaman.” nangingiti niyang sambit “Ako nga, tagal na kitang niyaya sumakay ng ganon pero di ka pumayag. Nakakagulat na pumayag ka sa kanya ah.”

Ilang tukso pa ang naabot ko sa kanya. Kaya dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis.

Habang naliligo, hindi ko naiwasang isipin lahat ng nangyari kanina. Mula sa park, hanggang sa office hanggang sa hinatid niya ako dito sa condo.

Noong sumunod na mga araw, office works at little chika with Dwayne ang nangyari, may meeting with board naman ang naganap at problema nila ang model na hindi pa nila napapa oo sa pagpirma ng kontrata.

“You should rest, if you're sleepy.” boses ni Dwayne yun. Kanina pa kami tahimik e.

“Hindi na. Okay lang naman ako, kailangan kong ireview lahat ng papel na ito bago ko ibigay sayo.”

“Okay lang, ako na ang magrereview.”

“Tsk ts-”

“Dwayne!” natigil ako sa ginagawa ko at nag angat ng tingin sa babae. Maganda at matangkad na babae, mga kaedad din ni Dwayne. Napalingon ako kay Dwayne na tumayo at nakipag yakap sa babae!

“I miss you, Dwayne!” hindi pa rin siya kumalas sa pagkakayap, nakangiti at parang maiiyak na siya.

Itinuon ko ang atensiyon sa pagsusulat. At ginawa ko ang lahat para hindi ako madistract sa yakapan ng dalawa!

“Yanie-”

Bigla akong natigil sa mabilis kong pagtatype at mas mabilis pa sa hangin kong nilingon ang dalawa! Nakangiti si Dwayne!

Ano? Yanie? Yanyan?

Ay tukleng! Yan ang ex ni Dwayne!

Dali dali kong inayos ang bag at Ipad ko at lumabas ng office na yun!

Nakakainis, kung maglambingan parang walang tao sa harapan nila ah!

Sumakay ako ng elevator at bumaba ako sa ground floor.

Pero saktong pagbukas nito ay tumambad sa akin ang mukhang matagal ko ng gustong masilayan.

Kung anong ginagawa niya building na ito ay hindi ko alam!

Ang taong nang iwan sa akin kung kailan kailangan ko siya. Ang taong sumama sa iba para lang sa sariling kasiyahan!

Ang taong to, nasa harapan ko ngayon!

Alam kong siya ito, kahit Ilang taon kong hindi nakita, alam ko dahil nararamdaman ko.

Pinipiga ang puso ko, habang nakikkita ko siya ngayon sa harap ko.

“Hannah Brielle--” malambing niyang tawag sa pangalan ko.

“A-anak...”

Except for 7 years of being with her, I didn't see and hear her calling me that the rest years.

Now, I'm 22 I felt angry with her for leaving me.

Kahit gusto kong maiyak, kahit gusto kong humagulgol sa harapan niya, hinding hindi ko yun gagawin.

“Hindi mo ako anak...” kahit masakit sabihin iyon sa kanya, dahil sa sarili ko hindi ko rin tanggap ang sinabi ko. Mahal na mahal ko parin ang mama ko pero dahil umuurong ang pagka pride ko, nasabi ko yun “Doon ka na sa bago mong asawa, ayaw kitang makita dahil walang mangyayari kapag nagkita pa tayo.”

Deretso. Nagsinungaling ako sa lahat ng sinabi ko.

Gulat na gulat siya sa sinabi ko, napahawak pa siya sa dibdib niya kaya kinabahan ako.

Lalapitan at papasok na sana siya sa akin pero umiwas na ako at lumabas. Nagtuloytuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng VSI building.

Doon ko lang naramdamang tumulo ang kaninang luhang pinipigilan ko, ang sakit na nararamdaman ko.

Tama ba ang sinabi ko? Paano kung gusto niya talaga akong kausapin? Kumustahin at... Alagaan bilang anak niya?

But I'm not a fool! May asawa na siya at mukhang maganda na ang buhay niya. Baka nga may anak na din sila at mas masaya pa siya.

Patuloy ako sa paglalakad at pagpalis ng luha ko, wala akong pakealam sa lahat ng taong nakakasalubong ko kung naririnig nila akong humihikbi.

I need to go to peaceful place.

Sa gitna ng pagpalis ng luha ko, isang lalake ang humarang sa daanan ko, naglahad ng isang puting panyo. Naka black shoes, at all black suit. Dahan dahan kong inangat ang luhaang mata ko...

“Zacharri...”

To be continue...

Title:Fears In Love; Part 5/15 (Her tears)
Author:@joreneagustin
Date Published:03.11.22
Cover photo:Edited in Canva

jpg_20220119_063854_0000.jpg