An Act of Kindness: Isang Makabuluhang Bagay
Magandang buhay sa lahat na Steemians sa lahat ng panig ng mundo lalo na sa SteemitPhilippines Community!
Kumusta na mga kaibigan? Isang malaking karangalan ang maging miembro sa #steemitphilippines community. Ang kumunidad na ito ay isang patunay ng pagkakaisa hindi lamang sa ating mga Pilipino kundi pati na rin sa ibang kasamahan natin sa Steemit.
Pagpapakilala
Ako, si @Sarimanok ay naging miembro sa platapormang ito simula pa nuong April 2018 subalit naging matumal na dahil sa mga di maiiwasang mga bagay sa ating paligid.
Pag-alinlangan
Sa tutuo lang mga kaibigan, at nakakahiya mang sabihin, medyo marunong naman ako sa pagsusulat ngunit hindi po ako marunong magtrading dahil takot akong magkamali at baka mawala ang pera na pinaghirapan ko! Ang nangyari, nakikisuyo na lang ako sa isang mabait na kaibigan (Alam mo kung sino ka) para mag-process ng kinikita ko. Laging ganon na lang sa tuwing ako ay nangangailangan ng pera lalo na kung sumobra ang gastos ko kesa budget namin. Lol!
Malaking Pagkakamali!
Dumating ang isang pangyayari na nagkamali ako sa paglipat ng address ng exchanger. Isang 100 Steem at 30 SBD! Alam nyo guys, gusto kong umiyak kasi kelangan ko talaga ang perang yon. It was lesson learned to me na dapat, kailangan na ilang beses muna mating suriin ang anumang transaksyon lalo na sa pera. Ang masaklap pa, biglang akyat ng presyo ng Steem at SBD! Oh kay lupit naman!
Effective
Nong mga nakaraang araw, kinulit na naman kami ng aming mentor kung bakit hanggang ngayon ay marami pang walang alam sa pag-trading at nakahanda ang tsinelas nys. Hay nakupo, kung iisipin, maga na talaga pwet ko. Palagay ko, panahon na para sa ganito.
Basic Training Group
Napag-isipan ng ibang ka-group chat namin na bumuo ng isang grupo para sa "Basic Training Group" kung saan isa-isa naming matutunan ang step by step na paraan kung paano lumusong sa trading na hindi kami mahihiya.
Tutorial "Class"
Ang una naming natutunan ay kung paano pasukin ang mga exchanger katulad ng MXC. Salamat sa pagpaunlak ni sis @june21neneng na maging tutor namin. Ang isang problema ko ay kung paano papalitan ang SBD kasi Steem lang meron. Pinili ko ang ProBit kasi mas madali raw matutunan. Tinuruan nya ako kung paano ang paraan, step by step with matching screenshots. Salamat sa pasensya nya!
Sumunod naman ay ang Ionomy. Nakupo! Ibang plastada na naman to. Alam nyo guys, buong magdamag akong nag-ikot sa loob pero do ko talaga mahanap. Buti nlng andon din si @me2selah na nag-guide din saken kung saan Ang daan. :) Andon lang pala sa bandang ibaba para makompleto ko ang proseso.
An Act of Kindness
Para sa akin, ito ay isang Act Of Kindness galing sa dalawang magagaling na tutor na katulad nila. Maraming salamat talaga! Dapat lang na ipamahagi ko rin sa iba kung ano ang natutunan ko sa kanila.
Maraming salamat din kay @olivia08 sa kanyang kabaitan at sa lahat ng steemit family lalo na kay @loloy2020 sa pagiging aktibo sa samahan.
Pagpalain sana tayo ng Puong Maykapal. Harinawa.
Maraming salamat,
Hmm buti alam mo na magpasikot sikot, salamat sa pagbahagi neto, ngayon
kampati na ako na matutunan ko din ito at madaling maintindihan
Yes, sis Judy. We'll set a schedule for that. Sa simula lang naman mahirap. Ang dami ko pang dapat matutunan talaga.
Mahirap talaga matutunan ang trading. Ako ay parang ikaw 4 years ago kay @otom nung ako ay nagsisimula sa Bittrex. Ipagpatuloy nyo lang po ang learning everyday at madami pa dapat matutunan.
Maraming salamat dear. Actually, si bosing @otom ang nagdala saken sa steemit nong makita nya na panay display ko ng mga tanim ko sa fb. Pero ang laking gulat ko, iba and pinag-uusapan! Waley ako ma-gets sa mga technical terms nila. Hilo na nga ako don sa cloud mining natin non. Kaya nag "left d group" ako. Haha Salamat naman at itinulak mo ko pabalik.
Kahit away-bati tayo. Lab naman kita eh.
Kainis ka!
Hahaha alam ko naman po yun mhie! Buti na lang po bumalik kayo with the new username sarimanok. May iba ka pa po username non diba?
Waley dear, yan at yan lang talaga username ko kaya kasi makakalimutin ako no. Real na baptismal name is iba syempre.
Hindi mhie parang may nakalimutan ka ng username dati at nawala mo yung keys something!
Don yon sa kabila na wala nang Power dear hehe remember, am supposed to claim $200 na, then yong 80k+ revenue ko binalik sa 1k ang lupit! Gumuho mundo marin.
Salamat at dinala nyo ko rito at nakatayo ulit. Sa tutuo lang, ayaw na maniwala anak ko dito kc scam kaya panay withdraw para maipakita sa kanila that this platform is legit.
Maraming salamat po sa inyong suporta. Nakakatuwang malaman meron tayong mga kasamahan na tumutulong sa kapag kinakailangan. Para po mas madali ko po kayong makita, pwede mo pong e post ang iyong mga likha sa ating Steemit Philippines Community. Maraming Salamat po. 😇
Tutuo po yan. Kaya maipagmalaki ko ang grupong ito kahit may tampuhan kung minsan. Proud din kami sa sipag nyo. Salamat sa supporta ni @fycee. Ipagpatuloy nyo lang ang inyong nasimulan at narito lang kami sa likod nyo.
Maraming salamat!
Walang anuman Ate! Ganun din po ako dati. hindi marunong magwithdraw ng earnings ko at gumawa ng mga transactions sa wallet. Buti nalang po may mga mabubuting tao kagaya ni @loloy2020 na handang tumulong at magturo. Turo ko na rin ang aking mga natutunan sa iba bilang pagpapasalamat sa mga taong willing at mapagpasensya sumagot sa aking mga katanungan nuon at ngayon tungkol sa cryptocurrency.
Maraming salamat talaga. Medyo kabado pa nga ako. Marami pa akong dapat matutunan with hope to share this knowledge to my family as well.
Ehemm.. special mention, kasiyahan kong maibahagi sa iba ang aking kaalaman na walang pag iimbot. Sarap kasama yung grupo na nagtutulungan.
Yes sis. Malaki ang pasasalamat ko sa grupong ito talaga. It's women's power, right? Kahit nasa bahay, we still managed to cope with the latest technology at natuto kami sa pamamagitan nyo. God bless !