UKAY UKAY

35CAA358-9336-4F4D-8CAF-07EF7BB317BD.jpeg

Source

Ikaw ba ay mahilig sa mga Second hand na gamit o bagay?!

Di na bago sa mga pinoy ang maghanap ng mga Bagay na may pakinabang pa or pwede pang irestore at ibenta.

Kung minimal lang naman ang sira o gasgas at pwede pang maayos aba bilhin muna at baka maibenta mo pa.

Sabi nga ng iba basura ng iba ay kayamanan ng iba.

Madiskarte tayong mga pinoy kahit saan mo dalhin nakakahanap ng paraan.

Tulad ng ibabahagi ko sa inyo ngayong Araw.

May isang lugar dito sa Dammam na dinadayo ng mga tao pag weekend. Tinatawag nila itong Haraj or lugar ng mga bagay na pwede pang pakinabangan or sa atin ay Ukay ukay.

Hindi lang pinoy ang dumadayo dito ibat ibang lahi din naghahanap ng mga bagay na pwedeng magamit. Gamit sa Bahay , Mga Sapatos , mga bag.

Kung gusto mo makatipid pwede ka dito magikot. Nakakalibang din mamili dito lalo kung nalulungkot ka kasi malayo ka sa pamilya.

D7DB6414-A162-4934-A965-F66FD8DAA3E9.jpeg

Source

Hindi lang din pangmatanda ang makikita dito, may mga laruan din na pambata. Sabihin na nateng mala Divisoria sya kasi marami talagang nagtitinda.

May mga kabayan din na dumidiskarte nagbebenta ng kape at tinapay sa umaga. Para sa mga Kababayan naten na maaga ding gumigising at maaga nagiikot sa Haraj.

Isa din ako sa mga nagiikot noon dito para makakita ng mga pwede pang gamitin. Sa totoo pang nakabili din ako ng sapatos dito. Ung mga kaibigan ko naman mga Bag na naibenta na din nila sa pinas.

14BA6D8A-5902-47DF-AD4A-9D3ABA5E2DDD.png

Source

Kaya naman sya dinadayo din ng mga Vloggers para ishare ang mga bagay bagay na meron dito sa Haraj. Katunayan meron din akong Video na ginawa sa Haraj Dammam.

Isa to sa mga Videos ko nung kasagsagan na wala pang pandemic, maswerte na nakakapasyap kami at nakakaikot dito. Paunahan at pagalingan makipagtawaran sa mga nagtitinda.

At ayun nga sana ay nalibang kayo sa aking simpleng Blog.

Kita kits po tayo ulit sa susunod.

PaSubscribe na din po pala sa Channel ko.

Salamat!!

😊😊😊

Sort:  

Hahahaha may ukay2 din sa Saudi haraj

Opo nay hehe tagal ko na nga din di nakakpasyal dyan

Gamun ba ,pasyal ulit

Done subscribe sir..


sir please paki subscribe din. ty

Sige Sir maya Sub ako sayo 😊

Hello po kuya Ken. Thank God nakabalik ka ng maayos ulit jan sa Saudi. at andito ka na po ulit kasama namin mag blog. Ikaw lang talaga pumapansin sakin non tksa si Mavericinvictus sa SFP!
Hope to see more of your vlogs pa!

Salamat po. Inshallah sisipagan ko po. 😊😊😊.