You are viewing a single comment's thread from:

RE: Steemph-antipolo Father's Day Comment Contest

in #steemph-antipolo6 years ago

29830914_806798002843626_289196414_o.jpg

Iba-iba ang Ama... May mahigpit, dahil gusto niya na lagi ka lamang niya napo-protektahan sa lahat ng bagay o tao man. May mabait, dahil gusto nya hindi ka mahihiya sa kaniya kapag may kailangan ka. May mainitin ang ulo, lalo na kapag napa-trouble ka pero di naman sya galit sayo. May iyakin, ito ung kapag medyo mabigat ung problema nya sayo na tipong may mabigat kang pinagdadaanan. Bilang Ama, gagawin nila ang lahat maiparamdam lamang nila na mahal ka nila kahit gaano ka pa kalayo. Ganito ang Tatay ko, mahigpit pero mabait, mainitin ang ulo pero iyakin pagdating din sayo... Noon, nakita ko na ang Tatay ko na sobrang lungkot niya dahil sa sama ng loob na binigay ko sa kanila noon... Labis kong pinagsisihan un habang ipinaglaban ko pa rin ang kagustuhan ko. Pero ngayon, napatawad na niya kami, sa nagawa kong kasalanan... Masaya sya ngayon kahit magkakalayo kaming lahat na magkakapatid at ganun din sila. Ngunit parang hindi rin naman kami magkakalayo dahil lagi kaming magkakausap. Saludo ako kay Tatay, bakit? Kahit nasa malayo sya yung suporta niya sa mga anak nya nandun pa rin. Yung tipong kami na lang mahihiya ngunit mahilig sya magpumilit na magbigay ng tulong... Para saken, the best ang Tatay ko! Kailanman hindi nagkamali Si Lord sa mga pinagsama-sama niyang miyembro ng Pamilya. Sobrang nasasabik ako na makita muli sila Ni Mama. Tanging hiling ko lamang palagi Kay Lord palakasin ang pa lalo ang kanilang katawan at bigyan ng mahabang buhay dahil gusto ko pag naging successful ako sa aking ginagawa masaksihan nila ito at maranasan kung paano mamuhay ng wala silang iniintindi kundi ang magsaya lamang sa kanilang buhay. Salamat Lord God! Si Tatay ang ibinigay mo sa amin! Amen.
Sort:  

kahinaan talaga ng mga tatay ang mga anak nila. Maswerte ka sa tatay mo. God bless him and you too