Monday Short Stories & Poetry with @steemph

in #steemph6 years ago

image

Nais kong gamitin ang kolum na ito para ma-promote ang patimpalak ng ating kasamahan sa Steemph na si ate @romeskie

Mangyaring basahin lamang ang patakaran kung paano makasali at maging balido ang isusumiteng entry.
https://steemit.com/steemph/@romeskie/tapusin-ang-kwento-or-isang-patimpalak-eddce893ca545

At narito ang kuwentong inyong dudugtungan...

Marahang binabaybay ni Gabriel ang kahabaan ng dalampasigan gaya ng nakasanayan niyang gawin sa tuwing siya ay nahahapo sa magulong daloy ng mundo sa kaniyang paligid. Malumanay ang hampas ng alon sa dagat na hinahayaan niyang bahagyang humalik sa kanyang mga binti. Salungat sa daloy ng diwa niyang tila daluyong ng samo't-saring isipin na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Gusto niyang malunod sa kaniyang sariling mga emosyon kaya mas ninais niyang mapag-isa. Hindi niya rin maunawaan kung ano ba talaga ang kaniyang hinahanap. O kung mayroon ba siyang hinihintay.

TULA(POETRY#34) SANGGOL

Ang gaan lang sa pakiramdam basahin ng tulang likha ni @tinkerrose. Katulad ng sanggol na nakakapagtanggal din ng pagod sa tatay na subsob sa trabaho buong araw, at sa nanay na hindi magkandatuto sa dami ng gawaing-bahay na kailangang tapusin. Tunay nga na kagiliw-giliw at nakakaalis ng kalungkutan ang isang sanggol. Lalo na ang ngiti nito.


Pagmamahal ng Isang Ina

Nagbahagi ng nabasang kwento si @shula14 at isinalin niya iyon sa wikang Filipino para maintindihan din ng mga kababayan natin. At pagkatapos ng kwento ay sariling karanasan naman niya ang ibinahagi. Lubos na dakila talaga ang pagmamahal ng isang ina. Hindi matutumbasan ninuman ang sakripisyong kayang gawin ng mga nanay.


Tapusin ang Kwento | Isang Patimpalak: Ang Kapirasong Tela

Naging bihasa na si @beyonddisability sa pagsusulat ng relihiyoso't inspirasyunal na mga kwento. Naibigan ko kung paanong nailigtas ang bida sa kanyang pagpapakamatay at kung sino ang nagligtas sa kanya. Hiling ko lang na mas dumami pa ang nagsusulat ng mga ganitong kwento. Hitik sa aral at napakaganda ng ending.

Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :

  • Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
  • Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
  • Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
  • Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
  • Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)

Antabayanan ang iba pang pagtatampok :

DAYTOPICWRITER/CURATOR
SundayTravel@rye05
MondayShort Stories & Poetry@johnpd
TuesdayCommunity Competitions@romeskie
WednesdayFinance@webcoop
ThursdayCommunity Outreach@escuetapamela
FridayFood@iyanpol12
SaturdayArts & Crafts@olaivart

Disclaimer: All post pics from the respected authors’ post.

Sort:  
  • salamat po sa @steemph sa tuwinang pagfeature ng aking mga akda
  • mabuhay po ang ma manunulat na Filipino

Buong puso ang aking pasasalamat sa iyo @steemph na ang aking likha ay na feature salamat sa pagsuporta, labis ang aking tuwa. Pagpalain kayo.

Hello @steemph, thank you for sharing this creative work! We just stopped by to say that you've been upvoted by the @creativecrypto magazine. The Creative Crypto is all about art on the blockchain and learning from creatives like you. Looking forward to crossing paths again soon. Steem on!