Monday Short Stories & Poetry with @steemph
Sa nakalipas na tatlong araw ay kaunti lamang ang nahanap ko na akdang nakasulat sa wikang Filipino. At sa kakaunting pagpipilian ay hindi ko naibigan na maitampok sila dito sa Monday Curation ng Steemph. Ipagpaumanhin po ninyo ang aking paraan ng pagcurate subalit hindi po sila pumasa sa mga alituntunin.
Kaya naman naisipan ko na lang na himay-himayin ang iisang akda na napili kong itampok at bigyan ng karampatang panghuhusga at pagtatama para maging gabay ng mga nais sumulat sa wikang Filipino.
by @romeskie
"Mahal ko si Molly!"
Stop. Rewind. Play.
Sa pambungad pa lang ay mayroon ka na agad aabangan na eksena. "Mahal ko si Molly!" Ang kailangan mo na lang alamin ay ang backstory sa likod ng mga katagang iyon. Tunay na nakaka-hook ang mga ganitong panimula sapagkat binibitin ang mga mambabasa at pinapataas ang antas ng kuryosidad nila kung ano ba ang nangyari.
Ika-apat ng Abril, taong 2006. Oras ng pananghalian. Tirik na tirik ang araw habang naglalakad si Lina at Lance sa parking lot ng pinagtatrabahuhan ng dalaga.Ngunit kahit sobrang init ng araw na tumutusta sa kayumangging balat ni Lina, daig pa niya ang nag ice bucket challenge nang marinig ang mga katagang pasigaw na ibinagsak sa kaniya ng nobyo.
Descriptive style ng narration. Nailarawan nang detalyado ang oras, lugar, pati na rin ang pakiramdam ng mga tauhan. Mas madaling makakasunod ang mga mambabasa dahil sa mga salitang panlarawan.
Kahapon ay ikaanim na anibersaryo nila. Hindi sinasadyang kinailangan niyang magtagal sa opisina dahil nagkamali siya ng ibinigay na instruksyon sa magkakabit ng tint sa sasakyang binili ng isang intsik na suki nila. Sa sobrang saya niya na nagtagal sila nang ganoon ng kaniyang nobyo ay naging pamali-mali siya nang araw na iyon.
Naungkat pa ang ibang detalye na mas nagbigay linaw sa mga pangyayari. Unti-unting dinadala ng awtor ang mga mambabasa sa emosyon at kalagayan ng bida sa kwento. Napuna ko din anb wastong paggamit ng nang upang ipanghalili sa salitang noong.
"Huwag mo kasi masyadong isipin yun mam, mahal ka nun," biniro pa siya ng trabahador nila.
Dito na papasok ang pagtatama na gagawin natin. Mas tama ang "Huwag mo kasi masyadong isipin yun mam, mahal ka nun.", biniro pa siya ng trabahador nila. Pansinin na ang koma o kuwit ay nasa labas dapat ng quotation marks. At lahat ng pangungusap sa loob ng quotation marks ay dapat may tamang simbulong panapos katulad ng tuldok, tandang pananong, tandang padamdam o ellipsis kung naputol o susundan pa ang dayalogo.
"Magkita na lang tayo doon kina Molly," parang tropa lang talaga sila mag-usap.
Naulit na naman ang pagkakamali na nabanggit natin kanina. Kuwit sa labas ng quotation marks at simbulong panapos ng pangungusap.
Nais ko namang bigyan ng dagdag puntos ang paggamit ng awtor ng text dividers (ang linya na naghihiwalay sa mga naunang talata) para ipabatid na panibagong kaganapan na naman ng kwento.
"Kasi mahal ko si Molly!"
Umalingawngaw nang paulit-ulit sa pandinig ni Lina ang sinabing iyon ni Lance. Parang tumahimik ang buong paligid. Maraming nagdaraan na mga sasakyan sa kalsada, may mga batang naghahabulan sa gilid, may mga tambay na nagtatawanan habang nakatambay pero walang naririnig si Lina. Ultimo ang mainit na halik ng hangin sa kanyang pisngi ay hindi niya rin pansin. Nakatuon ang atensiyon niya sa apat na salita ng binitiwan ng nobyo.
"Mahal ko si Molly!"
Paulit-ulit.
Nang makabawi sa pagkabigla ay napaisip si Lina. Baka ginu-good time na naman ako nina Molly.
Hinihintay niyang lumitaw kung saan ang dalawa pang kaibigan para sumigaw ng April fools!!!
Mula sa puntong ito hanggang sa magtapos ang kwento ay sari-saring emosyon na ang pumasok. Nasa estilo pa rin ng awtor ang descriptive na paglalarawan at pagbibigay ng detalye. Nagustuhan ko kung paano naipasok ang pamagat sa akda, kasama na rin ng pag-unawa kung bakit ito ang napiling pamagat.
Bandang huli ay nag-iwan ang may-akda ng parang "cliffhanger" na aantabayanan ng mga mambabasa sa susunod niyang sulatin. Wari'y maiisip ng tagasubaybay kung ginu-good time nga lamang ba ang bida o may kakaiba pang plot twist sa kwento.
Sa kabuuan ng sulatin, mahusay ang akda na nalikha at madaming magagandang paglalarawan na ginamit. Sa pagdadayalogo lamang nagkaroon ng kaunting kamalian. May disiplina din siya sa wastong paggamit ng ng at nang, bagay na hindi masyadong alintana ng ibanh manunulat dahil maiintindihan pa rin naman daw ang sulatin. Pero ang hindi nila alam ay isa itong paglabag sa alituntunin ng balarila at panitikan.
**Nais ko pong pasalamatan si @romeskie na magamit ang kanyang akda upang punahin, itama at bigyang-linaw ang ilang alituntunin sa pagsusulat. Hindi po ginawa ng inyong lingkod ang pagtatamang ito para kutyain ang manunulat, bagkus matulungan pa na humusay at mag-improve ang mga sumusulat sa wikang Filipino.
Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :
- Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
- Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
- Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
- Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
- Ang mga posts hanggang sa ikatlong araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)
Antabayanan ang iba pang pagtatampok :
DAY | TOPIC | WRITER/CURATOR |
---|---|---|
Sunday | Travel | @rye05 |
Monday | Short Stories & Poetry | @johnpd |
Tuesday | Community Competitions | @romeskie |
Wednesday | Finance | @webcoop |
Thursday | Community Outreach | @escuetapamela |
Friday | Food | @iyanpol12 |
Saturday | TBA | TBA |