PINOY HENYO WEEK #29 10/21/2018 #TRICK OR TREAT.

in #steemph6 years ago

b02wja21ka.jpg

Marahil totoo nga na pinagbigyan lang ni boss Ian Mapagmahal @iyanpol12 ang kaniyang mga katunggali nitong mga nagdaang mga linggo, sapagkat hindi rin nagtagal ay siya pa rin ang nagwagi. Nagparaan lang siya ng dalawang linggo at siya muli ang tinangghal na kampyeon.

Sisiw na sisiw lang para kay boss Ian ang naturang tagisan ng talino, sa tingin namin lahat ay hindi man lang siya nahirapan. Habang tumatagal din ay bumibilis silang lahat sa pag-type ng letra. Hindi talaga mapapantayan ang husay ng ating mga kalahok.

Ang ating mga regular na kalahok sa Pinoy Henyo ay kailanman hindi matutumbasan ng kahit na sino. Kaya naman nais ko silang pasalamatan, sa walang sawang paglahok sa ating Pinoy Henyo sa discord.

Linggo-linggo'y palagi silang nariyan upang makipagtagisan ng talino sa bawat isa. Hindi nila nakalilimutan ang Pinoy Henyo. Kaya laking pasasalamat ko sa kanila, kung hindi dahil sa kanila ay baka wala na ang nasabing laro sa discord. Bagama't kaunti lamang ang papremyo ay wala pa rin tigil ang kanilang suporta. Hindi nila inisip ang pera, bagkus ang kanilang pagnanais na malibang sa mga gabing iyon.

Nandito po ulit ako muli kayong inaanyayahan para sa darating na Pinoy Henyo mamayang gabi ika-10 ng gabi sa Philippines Discord.

PHILIPPINES DISCORD.

Pindutin lang ang link sa itaas, nang sa gayon ay makarating sa discord kung saan ginaganap ang nasabing tagisan ng talino. Halina't makisaya sa amin.

Ang samahang hindi mabubuwag kahit daanan pa ng isang milyong bagyo. Samahang lalong tumitibay sa hagupit ng tadhana. Pagkakaibigang nabuo sa gitna ng dalamhati, pighati at kaligayahan. Asahan mo na kahit may malakas na lindol ay nandiyan pa rin, mga taong pinagkatitiwalaan mo na sagad hanggang sa buto.

Luzon, Visayas at Mindanao ang tatlong islang naging saksi sa mga kadakilaan na ipinamalas ng ating mga kalahok. Batid ng mga isla na ang ating mga kalahok ay hindi padadaig ano mang sakuna ang dumating.

Kung may nais mang gustong mag-donate sa Pinoy Henyo ay mangyari lang po na iabot lang po sa'kin. Nang sa gayon ay mabigyan natin ang ating mga magigiting na kalahok na malaki-laking papremyo. Maraming salamat po.

Ito po ang inyong abang lingko na si 2K. Na nagsasabing mas nakatatakot ang Valentines Day kaysa sa Halloween. Maraming salamat po ulit. Hanggang sa muli paalam.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Thank you so much.

Oo boss. Kasiyahan talaga nakukuha namin sa Pinoy Henyo ba di matutumbasan ng pera.

Posted using Partiko Android

Maraming-maraming salamat boss Ian. Tunay kang alamat ng Pinoy Henyo.

Haha! Di naman. Talo nga eh. Hahaha

Posted using Partiko Android

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.