THIS IS HOW I DEAL WITH MY INTERNET CONNECTION. THIS IS HOW I ROLL.

in #steemph6 years ago

jxgveetft8.png
Pixabay



Yamot na yamot na talaga ako dahil sa internet ko na mabagal pa sa pagong at mahina pa sa may taong may sakit. Dinaig pa ang nagdidiliryo sa ICU. Pukares! Kay hirap maging mahirap dito sa Pilipinas. Napakarami mo gustong gawin, pero hindi mo magawa dahil sa bagal ng internet.

Gustuhin ko man magpakit ng mabilis pero sa bandang huli masasayang lang ang aking ibabayad buwan-buwan. Bakit? Kasi madodoble lang ang gastos ko. Unang-una nag-lo-load din kasi ako kapag papasok ako sa trabaho, kaya 'yong internet sa bahay walang gumagamit. Ang mangyayari nito magbabayad lang ako nang walang gumagamit.

Nagpakabit na ako dati, nga lang hindi ko masulit kasi papasok ako sa trabaho tapos kapag uwi matutulog ako nang mahaba. Minsan lasing din, kaya hindi talaga magagamit. Magigipit lang ako nang todo-todo at saka mas dadami lang aking bayarin. Kung wala lang akong trabaho ay tiyak sulit na sulit sa aking ang mabilis na internet, kaya lang paano ko mababayaran 'yon? Saan naman ako kukuha ng ibabayad?

Mabuti pa ang mga tiga-ibang bansa, kahit mahirap lang sila mabilis ang internet nila haha. Kami rito iiyak na dahil sa sobrang bagal ng internet. Bukod sa napakamahal ay napakabagal pa. Tinanggal na nga unli data, tapos ganiyan pa kabagal.

Sana naman huwag niyo samantalahin ang pangangailangan namin, bagkus gawan niyo ng aksiyon. Kapag lumipat ka naman sa kabilang network, naku po! mas makupad pa sa pinakamabagal na suso ang koneksiyon mo. Payag naman ako mabagal basta may unli haha. Kasi sa madaling araw naman ay mabilis.

Madami na nagagalit sa'kin dahil akala ay may ginagawa akong iba, pero ang totoo ay madalas mawala ang koneksiyon. Pitik nang pitik kung baga. Mataas naman itong lugar namin, tapos bago pa cellphone ko haha. Ewan ko ba bakit ganito. Nakiki-connect na nga lang ako minsan sa kapitbahay kapag may gusto ako panoorin.

Sana naman bumilis-bilis na ang internet ko, nang sa gayon ay marami akong magawa at para na rin bumilis ako sa pagsagot sa kahit anong tanong nila, sa kahit saang social media. Nagdadasal naman ako araw-araw na sana bumilis ang internet ko, pero wala pa rin. Panahon lang siguro ang makapagsasabi kung kailan ito bibilis.

Kaya naman ang mga tao ay palaging iniisip na hindi na ako kagaya noong dati. Dati kasi ay madalas akong nasa discord at nakikipaghuntahan, ngayon hindi na masyado dahil talaga sa mabagal kong internet. Antok na antok naman ako kapag madaling araw, tapos sila naman ay tulog. Hindi talaga magtagpo haha.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

:( galing ako sa bundok kanina @twotripleow, ang aking kaliwang kamay nasa China na ang kanan nasa Vietnam at siyang kumukuha ng larawan sa kaliwang kamay kong tila sayang saya kasi nasa Chinese side ng border. Matapos kong makunan ng larawan, eto agad ay aking inupload sa Instagram. Yun na nga, kahit nasa bundok ako, mabilis ang internet.