Tunay na Yaman
Mahabang buhok at balbas sarado
Masungit at Suplado ang tingin ko sa'yo
May pagkamayabang ang dating at damit ay laging terno
Maitim ang tawag mo akin
Naiinis ako kung ika'y lumalapit
Walang ginawa kundi ang mang asar
Buti naman at malapit ka ng ikasal
Sinubukan kong makipagkaibigan sa'yo
Ako'y namangha sa katangiang taglay mo
Mapagbigay at mabait na tao
Matulungin pa at matalino
Ang pagkakaibigan natin ay lumago
Naging malapit sa isa't isa landas ay nagtagpo
Ikaw ang sinasabihan kapag naguguluhan
Ikaw ang sumbungan kapag nasasaktan
Masaya ako ikaw ay nakahanap na
Babaeng ihaharap sa dambana
Nakita kong mahal na mahal mo siya
Ngunit may pagaalinlangang nadarama
Siya ay nagtrabaho sa ibang ibayo
Iniwan ka at piniling lumayo
Pumatak ang iyong luha nang ika'y niloko
Mayroong ibang mahal ang babaeng pakakasalan mo
Ako'y naguluhan sa damdaming naramdaman
Doble ang sakit nang ika'y nasaktan
Hindi namalayang nahulog na sa'yo
Mahal na pala kita higit pa sa sarili ko
Ang maikling kwentuhan ay napapadalas
Bumabalik ang ngiti sa iyong labi kapag tayo'y magkausap
Ako'y natakot paano kung magtapat?
Paano ko malalaman kung ako ba ay sapat
Lumayo ako sa'yo upang mapagtanto
Kung sigurado naba sa nararamdaman ko
Ikaw ay nagtaka sa aking pakikitungo
Ngunit ayaw kong masanay, ikaw ay laging nasa tabi ko
Ako'y lumapit sa Maykapal
Ikaw naba ang tugon sa matagal nang dasal
Hanggang dumating ang araw na hinihintay
Ika'y nagtapat ang puso mo'y inialay
Ako'y nagisip kung ano ang sasabihin ng mga tao
Ngunit pinili kong ipaglaban ang pagmamahal sa'yo
Buwan ng Disyembre, tayo'y ikinasal
Bawat araw na nagdaan nagiging matatag habang tumatagal
Akala ko maayos na ang pagsasama
Isang tawag ng iyong nakaraan at ako'y nabahala
Kumabog ang dibdib di makaidlip
Ako ba'y iiwan mo dahil siya ay nagbalik
Ako ay natakot at hindi nagtanong
Inihanda ang sarili sa iyong desisyon
Ngunit akoy napaiyak sa saya ng ikaw ang nagwika
Mahal kita at dina kita ipagpapalit pa sa kanya
Salamat at nagtiwala ako
Salamat at pinagtagpo
Nakita ko ang tinatagong kinang
Ikaw ang aking tunay na Yaman
entry ni sa steemsummit?
yup @junebride. Thank you for dropping by.
nice !
WOW! ang ganda! ang galing nyo naman po!
Thank you @goiinmary. I am flattered:)
Looking forward for more post like this po! ^__^
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by orhem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Nakakakilig <3 love story mo ba ito ate? napakaganda <3
ahahah oo @smaeunabs.. pang MMK ang lovestory namin..bigay talaga ni Lord yung husband ko.. hindi ko akalain talaga kami sa huli.... Salamat:)
Naman e! Nakaka-tats! Am sure ang dami makakarelate, nakarelate dito.
thank you @leeart ahahah . salamat sa pagbasa:)
Congratulations @orhem! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP