..Susunod Ako Sa Agos Hanggang Sa Tangayin Ako Papunta Sayo..

in #story6 years ago (edited)

Wala ng mahihiling pa c boy, kasama nya na ngayun si girl. Para sa kanya ito na ang perpektong araw nya dahil kasama nya ang perpektong babae para sa kanya. Pakiramdam nya buong paligid nya ay perpekto pati na rin ang tibok ng puso nya.

Kailangan nyang makausap ang babaeng nililigawan, dapat nya ng itigil ang panliligaw dito at mas maiging maging magkaibigan na lang sila. Sana lang maintindihan nito ang desisyon nya.

Magkahawak-kamay silang lumabas ng hotel. Ayaw man ni girl na magpahatid pero nagpumilit sya na ihatid ito para alam nya din kung saan ito pupuntahan. Tumuloy ito sa bahay ng tyuhin nito. At dahil magkakilala naman sila dati pa nakipagkwentuhan muna ito sa kanya.


image source

Nagpaalam sya kay girl kasi may pasok pa sya mamaya, pero sinabi nya ditong pupunta puntahan nya ito at magtitext din sya palagi. Hinalikan nya ito sa noo at yumakap naman ito sa kanya. Umuwi syang ang gaan gaan ng pakiramdam.

Si girl, hindi nya alam kung anung mangyayari sa kanila ni boy ngayun pagkatapos ng nangyari. Bahala na, susunod na lang sya sa agos kung saan sya dadalhin ng pag-ibig nya. Pero dahil nabigla din ang tyuhin nya sa pagdating nya, sinabi nya ditong maghahanap sya ng trabaho.

Gumayak sya para maghanap ng trabaho, ayaw nyang masayang ang araw na yun lalo pa't masigla sya. Dalawang company na ang pinuntahan nya pero tatawagan na lang daw sya. Maaga pa naman mamaya na sya maglunch, try nya muna ung isang call center na hiring.

Talaga namang swerte ang araw na an ito kay girl, natanggap naman agad sya. Tuwa-tuwa sya atleast hindi sya mababakante ngayung taon. Gusto ny itong ibalita kay boy, lunch time naman na pupuntahan nya si boy para sabay silang maglunch at masabi nya dito ang good news nya. At aalamin nya din kung anu nga ba ni boy yung babae na nakita nya minsan na kasama nito.

Ano pa nga ba ang kulang sa kanila, magkasama na sila ngayun at pareho na din silang may trabaho. Pagpaplano na lang ba ang kulang sa kanila? Hadlang kaya ang work ni girl sa kanila o hadlang kaya ang babaeng nililigawan ni boy?

Ito po ang mga nakaraang chapter ng kwento:

Chapter 1: https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaban

Chapter 2: https://steemit.com/story/@lynbabe10/how-do-you-heal-a-broken-heart

Chapter 3: https://steemit.com/story/@lynbabe10/pinaglalayo-nga-ba-sila-ng-tadhana

Chapter 4: https://steemit.com/story/@lynbabe10/bagong-pag-ibig-ba-o-panibagong-pagkabigo

Chapter 5: https://steemit.com/story/@lynbabe10/masakit-na-kabanata-ng-pag-big!

Chapter 6:
https://steemit.com/kwento/@lynbabe10/surpresa-ng-pagmamahal-from-boy-with-love

Chapter 7:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/sana-ako-na-lang-sana-ako-parin-ako-na-lang-ulit

Chapter 8:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/tayong-dalawa-kahit-ngaun-lang-kahit-saglit-lang-at-kahit-sa-huling-pagkakataon-lang

Thanks for the support
@hr1
@tagalogtrail
@surpassinggoogle
@arcange
@masterbot
@steemgigger
@raphaelle

and to all na nagsusubaybay sa kwentong sinusulat ko..hindi ko na kayo iisa-isahin pa, maraming thanks po.

Please follow, upvote, and reesteem po.. Salamat