You are viewing a single comment's thread from:

RE: Tapusin ang Kwento | Isang Patimpalak: “Kalasingan”

in #story6 years ago

Una sa lahat, hindi ko inasahan ang naging takbo ng kuwentong ito kaya kudos sa iyo manong @oscargabat! Hindi ko rin inasahan ang genre na pinili mo kaya ako naman ay talagang nagulat at natawa.

Mahusay mo namang nailapag ang kwento. May mangilan-ngilan lang akong napansin...

  • Marahil ay typo error lamang ang mga ito pero napuna ko ang hindi pagiging consistent ng paggamit mo ng gitling (-) sa ilang mga salita gaya ng unti-unti, mapag-isa, paulit-ulit, etc. Nauunawaan kong nagahol ka sa oras ng pagpasa kaya maaaring nagmadali ka na rin kasi nang bahagya kaya nagkaganoon.

  • Maaari ring gamiting ang salitang lango kapag ilalarawan ang salitang kalasingan. Pwede rin namang gamitin ang hilong-hilo sa kalasingan.

  • Ipinapayo ko ang paggamit ng mga mabukaklak na pananalita lalo na kung ang ilalarawan mo ay mga maseselang bahagi.

    • Kagyat niyang sinapo at parang batang pinaglaruan ang mayamang dibdib ng misteryosang babae.
    • pagkalalaki imbes na taguro.
  • Mas mainam kung may nakalagay na R18 sa akda para sa ating mga batang tagapagbasa.

Pero kung aliw factor din lang ang ang pag-uusapan ay nakuha mo ako roon manong! Haha

Sort:  

Ate ate, salamat pu magandang koment kasi kung pangit, bugbog. Bugbog ni Berna.”😂

Aba’y salamat naman po ate @romeskie sa magandang komento. Nagagalak ako sapagkat lumalawak ang aking kaalaman upang makalathala ng mas magandang kwento at mas maging isang mabisang manunulat. Yung sa daloy ng kwento, hindi naman po dapat dyan kahahantungan nyan, at dahil gahol na oras , ninais ko na lang na patawanin ang magbabasa ng nitong aking kwento. Haha. At ayun nga, sa pagtawa nyo pa lang sa aking gawa ay para na rin akong nanalo sa patimpalak na ito. 😂😂

P.S. BER Na!

Haha. Uu. Abugbug Aberna na sana kita eh. Nagulat ako sa takbo ng kwento. Kakaloka! Hahaha