Tagalogserye | Ikatlong Bahagi ng Ikalawang Pangkat
Ang Nakaraan...
"Ms Casimsiman, I need you at my office right now", walang emosyong sabi ni bossing Warren.
"S si-sir yes s-sir", magkandautal-utal na tugon ng daldalerang sekretarya.
Tumalikod na ang bossing. Si Samuel naman ay impit ang tawa. Nagsimula ng ma-stress si Diana pero sumunod sa hakbang ng amo.
"S-sir, I'm sorry..." agad na sambit ni Diana nang makapasok siya sa loob ng opisina ng Boss. Nakayuko lang siya at ni hindi siya makatingin sa kaharap dahil alam niyang narinig nito ang biro niya kanina.
Hay! Tama nga si Samuel. Engot ka nga Diana.
"Mr. Mikimoto invited us for dinner tonight and he wants you to come. Sumabay ka na lang sa akin mamaya. And don't worry, it will be charged as your OT," sunod-sunod na wika ng kaniyang boss.
Agad na umangat ng tingin si Diana upang tingnan ang mukha ng boss. Nagulat siya't hindi siya nito pinagalitan dahil sa sinabi niyang hindi maganda tungkol sa pagkatao nito. Siguro'y hindi nito narinig ang biro niya. Pero mas ikinagulat niya kung bakit kailangan pa niyang sumama sa dinner nila.
"Sir, kailangan ko po ba talagang sumama? Bakit po? Wala po bang ibang magtitimpla ng kape roon sa pupuntahan ninyo?"
Bigla na namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Warren dahil sa tinuran niya. Ang kaninang kalmado nitong mukha ay napalitan ng pagkainis habang tinapunan siya ng masamang tingin.
Agad itong nahalata ng dalaga kaya muli siyang nagsalita. "J-joke lang po, sir. Pinapatawa lang po kita."
"Ilugar mo 'yang jokes mo, Diana. Hindi nakakatuwa. At sa lahat ng jokes, huwag na huwag mo rin akong tatawaging beki. Isang joke pa at hindi ako magdadalawang-isip na alisan ka ng trabaho." Bumuntong-hininga muna si Warren na halatang nagpipigil ng inis sa kaniya. "You may go!"
Ilang segundo siyang naestatwa sa harap nito dahil hindi agad naproseso ng kaniyang mapurol na utak ang sinabi nito. Doon pa lang siya kumilos nang muling tumingin nang masama ang kaniyang boss. Kaya dali-dali siyang tumalikod at lumabas ng opisina nito bago siya masabon ulit.
"O kumusta, Diana? Napatunayan mo bang beki ang Lolo mo?" bungad ni Samuel paglabas niya ng opisina.
"Bakit kaya kailangan kong sumama mamayaa sa dinner?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ni Samuel.
"Baka walang tagatimpla ng kape sa pupuntahan nila kaya ka isasama," sarkastikong sagot nito.
"Sabi ko na nga ba e. 'Yan din ang sinabi ko kay Sir kanina. Masarap kasi akong magtimpla ng kape kaya siguro ganoon."
Napahilamos na lang sa mukha si Samuel gamit ang kamay. Dama nito kung bakit laging galit si Sir Warren.
"Pero ewan. Parang ayokong sumama dahil si Mr. Mikimoto raw ang nag-imbita. Nakakapagod mag-inglishment. Pero kung sabagay, magtitimpla lang naman ako ng kape roon. Malamang hindi ako magsasalita."
"May gusto yata ang matandang hapon na iyon sa 'yo. Kasi hindi ka naman dapat kasali sa dinner. Baka ibinugaw ka na ni Sir Warren nang hindi mo alam. Mamaya, isasama ka n'on papuntang Japan."
Kumunot ang noo ni Diana dahil sa tinuran ni Samuel. Hindi niya nagustuhan ang narinig.
"Bakit naman kaya niya ako isasama sa Japan?"
"Malamang gagawin kang Japayuki. O kaya iaalay nila ang utak mo sa kanilang ninuno dahil sa kakaiba nitong katangian na naglalaman lamang ng hangin."
"Naku, ayoko. Okay lang kahit hindi ako makapuntang Japan. Ang sama pala ni Sir Warren, ibubugaw niya ako nang wala akong kaalam-alam. Akala ko may natitira pang kahit kaunting kabutihan sa puso niya para sa akin, pero mali ako."
Puminta ang lungkot sa mukha ng dalaga. Iniisip niya kung bakit kailangan pa siyang ibugaw ng boss niya sa matandang hapon.
"Kakausapin ko si boss. Ayoko kay Mr. Mikimoto. Kung tutuusin, pwede namang sa kanya niya na lang ako ibugaw e. Kahit masungit siya, mas kaya ko pa siyang jowain kesa sa hapon na 'yon."
"Sinasabi ko na nga ba e!" Biglang pumasok sa eksena si Amanda habang nakapameywang. "Ang landi mo talaga, Diana! Ang ambisyosa mo rin ano? Ako nga ayaw jowain ni Sir Warren e. Ikaw pa kaya?" nakataas ang makapal at hindi pantay na kilay ni Amanda.
"Huwag ka ring ambisyosa, Amanda. Mas jowable pa si Diana kaysa sa 'yo. Utak lang ang wala kay Diana. Pero sa 'yo lahat wala ka. Wala kang nasalong biyaya nung namigay ang Diyos," komento naman ni Samuel.
"Aba't nakahanap ka ng kakampi, Diana! May araw din kayong dalawa sa akin. Isusumbong ko kayo kay Sir."
"Sige, magsumbong ka lang. Kung papansinin ka n'on. Kilay mo lang na hindi pantay ang mapapansin ni Sir Warren," pahabol pa ni Samuel.
Tiim-bagang na nakatingin ng masama si Amanda sa binata bago ito tumalikod. Nang makalayo ito'y tawang-tawa naman si Diana.
"The best ka talaga Samuel! Akalain mo 'yon, napatumba mo ang ego ng bruhang iyon? Bilib na talaga ako sa 'yo. Jowable ka rin kagaya ko."
Napatitig naman ng seryoso si Samuel sa kanya. Natameme tuloy siya dahil sa pagkailang. Ilang segundo rin silang walang imik habang nakipagtitigan sa isa't isa.
"Ehem..."
Napapitlag si Diana nang muling marinig ang boses na iyon na galing sa kanilang likuran.
Itutuloy...
Totoo nga kayang dadalhin ni Mr. Mikimoto si Diana papuntang Japan para gawing Japayuki
Bakit hindi pantay ang kilay ni Amanda?
At higit sa lahat, bakit ang sabaw ng kwento ko? 😅
Si sis @czera na lang ang bahalang magdugtong ng sabaw kong kwento.
Maraming salamat po sa pagbabasa. 😊
Setting sa isang Opisina
Karakter -
Masungit na Boss - isang karakter na palaging galit at di maipinta ang mukha.
Sexytari - sekretarya na lubhang maganda ang hubog ng katawan maliban sa angking ganda/kakisigan wala na siyang ibang maipagmamalaki.
Perfectionistang Empleyado - lahat dapat ay nakaplano sa kanya at sa sobrang perfect nya wala siyang lovelife wala pa kasi si Mr. o Ms. Right
Elemento na maaring gamitin :
Lipstick
Corrupted File
Kape
Tema:
Komedya
linggo ng sabaw ang TS ngayon.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Hindi naman sabaw. May mga laman at iba pang sahog ang kwento natin. At higit sa lahat, bumabawi tayo sa mga pang-teaser na tanong sa dulo. Hahaha
hoy jez wala kana sa tambayan
Posted using Partiko Android
Congratulations @jemzem! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes received
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
Congratulations @jemzem! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Congratulations @jemzem! You received a personal award!
Click here to view your Board
Do not miss the last post from @steemitboard:
Vote for @Steemitboard as a witness and get one more award and increased upvotes!
Congratulations @jemzem! You received a personal award!
You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking
Do not miss the last post from @steemitboard:
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!