"Kaya nyo ba yun?" | Ikwento Mo Sa Steemit | Nakakahiyang Pangyayari

in #tagalogtrail6 years ago

images.png
Pinagkunan

"Kaya nyo ba yun??"



Isang malakas na ulan ang gumising sa akin nang araw na iyon.

"Nakakatamad bumangon". Ang unang pumasok sa isip ko.

"Teka! May long quiz nga pala ngayon!" Bigla kong naalala.

Dali-dali akong napatayo sa pagkakahiga. Kain ng almusal. Higop ng kape. Ligo. Toothbrush. Bihis ng uniform. Tsaka nagpaalam sa aking ina para pumasok.

Basa ang daan, medyo putikan. Sinubukan kong umiwas na umapak sa putik. Medyo tumila na din ang ulan.

Kalsada.
Naghihintay na ako ng jeep. Tumigil ang unang jeep. Hindi ako sumakay dahil mejo masikip na. (Hindi kasi ako yung tipong "paningit". Haha.) Pangalawang jeep. Pangatlo. Puno pa din. Ayan! Sa wakas dumaan ang pang-apat na jeep. Medyo maluwag pa sa loob pero mas pinili kong sa harap sumakay.

Jeep.
Tumingin ako sa relos ko, 8:30 AM pa lang.

"15 - 20 minutes ang byahe papuntang school. Hindi pa ko late." Naisip ko.

Medyo umaambon at medyo nababasa ako kaya hinila ko ang kurtina pasara. Hanggang sa malapit na kami sa school. Nag-ayos na ako para makababa agad.

Tapat ng school.
(Eto na! Ang nakakahiyang pangyayari!)

Sa tapat ng school, madaming nakatambay na estudyante. Dahil nga umaabon, nakasilong sila sa mga tindahan.

Pagtigil ng jeep sa tapat ng school, naghanda na akong bumaba. Hakbang ng kanang paa pababa, tapos yung kaliwa na, then shocks! Pag minamalas ka nga naman! Sumabit yung heels ko sa tali ng kurtina! Sumubsob ako sa kalsada habang yung kaliwang paa ko nakasabit sa jeep.

Pakiramdam ko gusto kong maging invisible sa sobrang hiya. Nakatingin sakin lahat ng tao, nasira ang poise ko! Ni wala manlang nag-offer na tumulong. Well, hindi ko sila masisisi, nagulat din ata sila sa katangahan ko. Hahaha!

Pero kahit mangiyak-ngiyak na ko sa sobrang sakit, bangon lang!

Tumayo akong parang walang nangyari. Lumakad ng nakataas ang noo. Oh di ba?! Kaya nyo yun?!

Ni hindi ako tumingin sa ni isa mang tao na nandun, mas nakakahiya yun kung may makita akong kakilala ko. Hahah!

Anyway, hindi na ko pumasok nung araw na yun. Dumiretso ako dun sa boarding house ng kakilala ko na andun lang din sa tapat ng school. Madumi na din umiform uniform ko kaya pinahiram nya ko ng short. By the way, lalaki yung friend ko na yun. So imagine, wearing a blouse and a jersey short of a guy. Oh di ba mas lalo akong nagmukhang ewan? Hahahah!

So ayun, umuwi na ko nung tanghali kasi namaga na paa ko. ouch! Napilitan din tuloy akong ikwento sa parents ko yung nakakahiyang pangyayaring yun.

LESSON LEARNED:
Wag sasakay sa harap ng jeep kung nakasuot ng heels!

MAHALAGANG PAALALA

pzrpad9azn.jpg

Ang post na ito ay isang entry sa patimpalak ni @romeskie na naglalayong hikayatin ang bawat Pilipinong manunulat na magsulat gamit ang wikang Tagalog.

MARAMING SALAMAT SA PAGSUPORTA AT PAGBASA SA AKING AKDA!!!

DQmZigP4Np5NLVmNR1N3zbpfgfEHkTXRQiGNmh589wMKauD.gif

aboutart_.png

Sort:  

May mga ganyan talaga, buti nalang di malala, aksidente lang yon. Mapapamura ka nalang talaga sa heels mo. Kasalanan ng heels mo yon. heheh..

Kaya nga eh. Nakakahiya talaga. hehe.

Nai-imagine ko ang pagkaka sabit mo doon sa harapan ng jip! Pero ganoon pa man, bangon lang! hahaha. Sayang nga lang at hindi ka na nakapag long quiz.

Salamat sa pagbabahagi. :)

Oo nga po eh. Sayang ang scores. Pero nahiya na din ako pumasok kasi andaming nakakita sakin. Feeling pag pagpasok ko palang sa gate, paguusapan ako ng mga tao dahil nakita nila yung nangyari. 😣

Hi aboutart,
Welcome to #steemph! Please find below your two footer banners made by @bearone for use in your future posts.

SteemPH Slim Banner
https://gateway.ipfs.io/ipfs/Qmaa63FKCmNhscLujWQwDu5HsZWGaATkMqyzhm6yfq2Xa8

SteemPH Compact Banner
https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmbrfULrowzFMeRJBW9bgAHp7XviFtX5duWhWtLMQKMLTV

Brought to you by @quochuy (steem witness)

Thanks @steemulant! Salamat din po kay @bearone, @quochuy at syempre sa @steemph! Gagamitin ko agad to sa mga susunod kong posts. 😊


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.