#ulog: HAPPY GO BAM (COMEDY) - Episode 1 Part 2

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

AUTHOR'S NOTE: The following is a work of fiction. Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental.

Especially to you, Chiqui.

Bitch.

happy go bam.jpg



. . .continuation of EPISODE 1 CHAPTER 1: SUMWERTE SA KAMALASAN

CHAPTER 2

“Where u at dawg?”

Text ko ulit sila. Gangster gangsteran ako kaya “dawg” ang tawagan namin.

Tumingin ako sa paligid at may nakapaskil na Freedom Park. “Andito ako sa Freedom Park” dagdag ko sa text.

Naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Badtrip ako sa prof na yun. Gusto ko tuloy magyosi sa kabadtripan.

May tatlong stick ako sa clutch bag ko ng yosi. Isip-isip ko: “pwede kaya magyosi dito?” Freedom Park e. By the word itself — Freedom. So dapat pwede. Dapat may freedom na magyosi.

Yun lang wala akong pangsindi.

Gusto ko mangheram ng lighter kaso napansin ko wala naman nagyoyosi. Hindi ata pwede. Sa labas na nga lang. Anong klaseng freedom yan? Pwe!

Parang yung sa elevator lobby ng school. Nakapaskil dun ang mission-vision ng school.

Nakalagay: PARIStern University is a Non-Sectarian. . .

Non-Sectarian? E bakit may Catholic na chapel na nakatayo dito sa university premises kung non-sectarian sila?

Basta. Kung ano-ano na naiisip ko. Ganyan ako pag mag-isa. Kasalanan ni Kevin at Jopet to, ang tagal nila magreply. Wala pa naman akong pantawag.

Lalabas na nga ko para makapagyosi. Pero kakain muna ko dahil madami akong pera pang foodtrip. Dun ako kakain sa tinatawag nilang “Hepa-lane”.

Anubeyen. Pati sa gate trapik sa dami ng tao.

So ang plano ko is kakain, then yosi, then pepwesto na ko sa computer shop at papasunurin ko na lang sila Kev at Jopet. Ano kaya kakainin ko?

Hmm. . May nababasa ako nanakapaskil sa burger stand.



Centrum – 35

Hahaha vitamins binebenta sa burger stand?

Curious tuloy ako.

Tinanong ko yung tindera. “Ate, ano po yung Centrum?”

Sagot sa kin ni ate, “Ahh Centrum Complete.”

Huh? What the fuck. Yun lang sagot niya “ahh centrum complete.” Ano yun? Hindi complete yung sagot niya.

“May ham, cheese, bacon, coleslaw, egg. .. kumpleto na,” dagdag ni ate.

“Ahhhhhhhh… Mukhang OK yun ha. Sige isa nga nun.”

burger.jpg
(FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. 35 petot lang ang burger mo Bam, huy! Choosy ka pa?)

“Wait lang ha”, sabi ni ate.

“Ok.” Dami rin kasi bumibili. Kuha muna ko ng C2. Nagkusang loob na ako na buksan ang coleman niya dahil daming ginagawa ni ate.

Kaso, walangya. Pagbukas ko ng coleman e puro burger patty ang laman saka ham, bacons, at kung ano ano pa nandoon. Haha na wow mali ako nun ha.

"Wala diyan. Ito." Sabay abot na sa kin ni ate ang 500ml na C2.

Wow san kaya galing yun? At malamig pa ha.

Favorite ko kasi yang C2 lalo na pag dota sessions namin. Pag wala si manager C2 lang at yosi pwede na. Pero pag nandiyan siya may pa-pizza pa. Nagpapa-order. Minsan dadayo kami ng Beef Pares. Pinakapulubi mode na namin ang Angels Burger. Quantity over quality. Haha.

Kain kaya ako ng kain kaso payatot pa rin ako. Ang alam ko natanggal ko na ang bulate sa tiyan ko. May isang araw kasi na pagkatapos ko kumain ng medyo hilaw na pinya, is tumae ako ng hugis bulate talaga. Dalawa. May picture ako. Gusto niyo makita? Haha. Ipopost ko sana sa Instagram noon e. Hashtag #tae. Haha.

Ano ba yang iniisip ko? Haha. Sorry. Pasintabi lang po sa mga kumakain [mimicking Mike Enriquez voice].

“Eto na po yung burger niyo”, wow sabi ni ate.

“Magkano sakin lahat?,” tanong ko. Gusto ko kasi nagbabayad agad para eat-and-run lang.

“60”

Waah. Binuksan ko ang bag ko dahil dun ko nilalagay ko pera ko. Kahit nung high school iniiwan ko lang sa backpack yung pera ko. But this time, nakaclutch bag na ko.

“Ito po,” sabay abot ng 500.

Dali-dali niya naman akong sinuklian. Hindi ko na binilang. Basta nilagay ko na lang sa bag yung pera. Ang dami kong hawak e. Burger, C2, ketchup, tissue, itong clutch bag ko pa na nakaipit sa kili-kili. Haha.

Hmmm. Masarap itong centrum ha. Kaya subo lang ako ng subo. Wala akong pake kung dungis mode na puro ketchup na ang aking bibig. Hindi ako kilala ng mga tao na andito. Wapakels. Sabi nga ng kanta, “bakit ako mahihiya?”

E sisibat na rin ako agad na parang walang naganap. Eat-and-run.

So eto na maghahanap na ko ng computer shop. Kung ano una kong makita dun na ko. Sayang kasi oras pag palibot-libot pa. Hindi naman ako katulad ng "girlfriend-girlfriendan" ko nung high school na si Patty na pag nag SM e ikot ng ikot. Hindi napapagod maglakad kahit 1 oras para lang bumili ng plain white T-shirt. Wat da, plain white T-shirt na nga lang ha!!

Pero nagtataka ako pag sa labas maglalakad e ayaw nya? Gusto tricycle na agad kahit dalawang kanto lang. Napapagod daw siya.

Anyway, eto na. May nakita na ko na PC-han. Pangalan ng PC shop is "Tamaraws". Wow. Yun yung colloquial term ha sa mga students ng Paris. Ano ba to "annex" nila?



Tamaraws

totoy.jpg
(THE LEGEND)

Wow laki ng mga PC pakurba kurba pa yung monitor. Bigtime. Dami tao. Tantsa ko is 100 computers ang meron dito. At puno ha.

"Kuya sa 2nd floor na lang tayo," sabi sa kin ng bantay.

Wow! May second floor pa pala itong computer shop. Akyat naman ako. Ganun din itsure 100 PC. May ilang bakanteng computer pa sa dulo.

Pwesto na ko dun sa mga bakanteng PC. Para pag sumunod na si Kevin at Jopet dapat magkakatabi kami.

Dati sa Pisonet lang ako ha. Ngayon, ibang level na ha: Morayta style.

Nilapag ko na ang clutch bag ko sa tabi ng monitor ko. At pag-upo ko tinanong na ko ng bantay.

"Open time kayo?"

Open time agad? Hindi pa pwede one hour muna, isip-isip ko.

"Sige, open time" naman ako.

Habang naglo-load ang PC ko is tumingin ako sa paligid. Grabe daming estudyante dito. Siguro makaka apat na classroom ang mga estudyante dito. Grabe population. Naisip ko ang sagot sa umuusbong na population is dapat gumawa ng batas ang mga senators na gawing legal ang pagpatay sa mga nagyoyosi. Tutal mamamatay din sila. Mandadamay pa sa second hand smoke nila. Oo tama, dapat nga. Hahaha ang sama ko. I'm evil.

So ito na natapos na magload. Waah! Nakita ko na nakaonline na si Jopet sa Dota. In-game pa ha ang moking. Adik mode. Minessage ko siya. “oi san ka?”

Nagreply naman siya agad, “wala akong pasok tol sa bahay ako.”

Tuloy niya, “tulog muna ko. Kagabi pa ko naglalaro.”

Anak ng patis. Ngayon pa lang matutulog ang loko. Adik mode.

Si Kevin na lang pag-asa ko. Pero laro na nga ko. Sayang oras.

A few moments later: Nakatapos na ko ng laro. 50 minutes din yung game. Higpit ng laban.

Nasaan na kaya si Kevin? Hindi pa tumutunog cellphone ko. . . Check ko nga. . .

Teka teka. . .

Shit.

Nasaan ang bag ko?

SHIT.

Nawala parang bula!

Andun ang cellphone ko. Pati pera. Pati ID. Pati Certificate of Registration. Hindi ko alam kung anong room ng next class ko.

Kung may Dota is Life ako naman ay may My Bag is Life.

Tinignan ko sa paligid baka nahulog lang.

Pero shit.

WALA!



Itutuloy. . . MAMAYA. Masaya 'to. You know the drill: FOLLOW / UPVOTE / COMMENT / RESTEEM / and YOU'RE WELCOME! :)

AYY THANK YOU PALA!

#steemitfamilyph #tagalogtrail #ulog #untalented #funny

Sort:  
  • bwahahahahaha
  • sana mabasa mo rin si Leni ...

Nakakaadik na itong kwento ni Bam. Saktong-sakto pang-relieve ng stress ang kakulitan niya. :D

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch