Hugot: Ang Larong Para sa Brokenhearted
Maraming salamat kay @jazzhero, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapaglabas ng lahat ng aming mga hugot noong nakaraang Biyernes. Nagkita-kitang muli ang tropa ng @tagalogtrail kaya naman punongpuno na naman ng kulitan at tawanan ang buong weekend namin.
Ang larong Hugot ay isang card game na gawa ni Thomas Regala. Naglalaman ito ng isangdaang Hugot cards at tatlumpong question cards. May kasama itong manual na may instructions kung paano laruin ang game na ito. Pero pwede mo rin naman na hindi sundin ang mga nakasulat. Kasi pwede naman talaga na hindi natin sundin ang mga sinasabi sa atin, sa bandang huli, ang puso pa rin ang mananaig.
Paano laruin ang Hugot
May dalawang suggested na paraan ng paglalaro si ginoong Regala. Ang una ay bibigyan ng limang Hugot cards ang bawat manlalaro na siyang pagpipilian nila na isasagot sa mabubunot na Question card. Pataasan ng iskor mula sa Hugot Master. Ang hugot master ay kung sino man ang may pinaka mabigat na pinagdadaanan sa buhay pag-ibig. Kasi talunan na nga siya sa lovelife, dapat kahit sa larong ito man lang ay siya naman ang manguna, hindi ba?
Ang pangalawang suhestiyon ni ginoong Regala ay bubunot ng isang question card na sasagutin ng lahat sa pamamagitan ng pagbunt mula sa kumpol ng Hugot cards. Palaliman ng hugot, pagalingan ng banat. Ang pinaka walei, balagoong. Ang pinaka havei ang siyang panalo. Kaya dapat talagang paganahin ang isip. Hindi yung puro puso lang.
Pero dahil may latak ata ng aligi ang mga utak namin, naisipan namin ng ibang paraan ng paglalaro ang card game na ito. Ganoon kasi dapat talaga. Kapag tingin mo hindi ka maligaya, gumawa ka ng paraan na maging masaya ang ginagawa mo. Hindi yung basta ka na lang aalis at hahanap ng iba.
Isa sa mga naisip namin ay dalawang cards mula sa Hugot card ang gagamiting pang sagot sa question card. Ang isa naman naming naisip ay isang Hugot card lamang ang gagamitin ng lahat ng players na pang sagot sa question card. Dito sa round na ito ay talaga namang pigaan ng isip. Minsan ay mauunahan ka ng ibang player sa sagot na nasa isip mo. Kung babagal-bagal ka o patumpik tumpik ka, ganun talaga ang mangyayari sa iyo. Kaya kapag may nararamdaman ka, ibulalas mo na agad. Baka maunahan ka pa ng iba, bokya ka.
Panalong hugot ng gabi
Inubos namin ang lahat ng katanungan. Mas maganda kasi kapag ganoon. Yung lahat ng tanong mo, nasagot. May closure kumbaga. At ilan lamang ito sa mga tanong na nakunan namin ng larawan.
Panalo ang sagot ni @tpkidkai sa tanong na ito. Ang pagmamahal ayon sa kanya ay dapat parang libro. Habang binabasa mo, marami kang natututunan. Dapat din ay para itong susi. Binubuksan ang buo mong pagkatao.
Pangungunahan ko na, hindi gaano pang menor de edad ang hugot ng mga kalahok dito.
Silya
Paputok
Eroplano
Barbero
Subukan niyo rin hugutan ito nang medyo wholesome.
Mahuhusay ang mga naisagot ng mga katropa natin. Pero ang pinakatumatak sa aming isip ay ang pinakamalupit na tanong sa lahat na pinarisan din naman ng malupit na Hugot card.
Ang hotdog ni Aljur ay parang multo
@johnpd: siya lang ang nakakakita
@romeskie: ayokong makita
@tpkidkai: ayokong maramdaman
@beyonddisability: napatakbo ako
Ang scoring ay base sa boto ng lahat. Mas maganda ang ganun, pare-parehong boses sa isang relasyon. Hindi yung iisa lang ang kumo-kontrol. Sa round na ito, walang duda, si @beyonddisability ang nagwagi. Pati ang ultimate hugot master na si @czera ay sang ayon sa desisyong ito.
Salamat @jazzhero sa regalo mong ito. Pero mas gusto ko sana na makita ka nang personal para makalaro ka rin namin sa larangan ng paghugot.
Natutuwa ako na muli kaming nagkita kita at nagkakulitan. Sana ay makapagkita ulit ang tropa at sana sa susunod ay mas marami na ang makasama.
Walang anuman, Rome.
Mukhang mas napaganda nyo pa ang paraan ng paglalaro. Iba talaga pag mataba ang utak :D Panalo din 'tong post mo. Punong-puno ng hugot haha. Bagay na bagay sayong kakuwelahan ang laro.
Matagal tagal na rin mula nang huli akong humugot kaya sobrang na-appreciate ko itong regalo mo. Sure akong na-appreciate din ng mga katropa. hehe