Pagpipinta Gamit ang Mga Salita | Isang Patimpalak

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

Magandang buhay mga katropa! Narito na naman po tayo sa isa na namang patimpalak! Ito ay naglalayon na manghikayat ng mas marami pang manhnulat sa wikang Tagalog.

image
Pinagkunan

Ngayong linggo, simple lang ang kailangang isulat. Mamimili lamang po kayo sa mga paksa na aking ibibigay. Kailangang makagawa ng isang sanaysay na may malikhaing paglalarawan tungkol sa paksang iyong napili.

Narito ang mga paksang maaari niyong pagpilian:

  1. Lugar na nais mong mapuntahan o napuntahan na at nais balikan
  2. Pangyayari sa iyong nakaraan na nais balikan para itama ang pagkakamali o muling isabuhay ang magandang karanasan
  3. Propesor o guro na hindi mo makalilimutan
  4. Nakaraang pag-ibig na may malaking epekto sa iyong pagkatao
  5. Bagay o gamit na hindi maaaring mawala sa iyong bag sa tuwing aalis ng bahay

:۞:••:۞:••:۞:••:۞:••:۞:

Ang hahanapin ng ating mga hurado ay ang akdang may swabeng pagkakalarawan ng paksang napili. Ang ating mga huradong tutulong sa akin sa pagpili ng pinakamalikhaing akda ay sina...

  1. @jemzem
  2. @jazzhero
  3. @romeskie

Narito naman ang mga mekaniks ng ating patimpalak:

  1. Gumawa ng isang sanaysay na mayaman sa mga salitang panglarawan kagaya ng pang-uri, pang-abay at tayutay.

  2. Ang iyong akda ay hindi dapat lalampas sa isanlibong salita. Ang akda ay dapat sulat sa tagalog. Maaaring gumamit ngkaunting ingles na salita ngunit panatilihing nasa 90% ang tagalog sa iyong akda.

  3. Maaari ring gumawa ng maikling kuwento o kathang isip. Huwag lamang kalimutan na ipahayag kung ito ay kathang isip lamang.

  4. Orihinal na katha lamang ang aming tatanggapin.

  5. I-upvote at i-resteem ang post na ito para marami tayong mayakag na sumali.

  6. Gamitin ang tags na #steemph at #tagalogtrail sa iyong akda.

  7. Maaaring magpasa ng dalawang entrada bawat isang Steemian.

  8. Kung gagamit ng larawan ay lagyan ng nararapat na credit kung hindi iyo.

  9. I-comment ang link ng iyong akda para maisali sa patimpalak.

  10. Ang deadline ng pagpasa ng mga akda ay sa September 11, 2018 ng tanghali.

Pipili kami ng tig-iisang may-akda na magkakamit ng tig-iisang SBI (Steem Basic Income) shares. Ano kamo ang SBI? Ito ay isang social experiment na naglalayong tulungan tayong mga steemians na mas kumita pa sa steemit. Maaari niyong basahin ang tungkol dito sa kanilang FAQ

Hihintayin namin ang inyong mga akda!

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Hello @romskie sali na ko ha! Subukan ko kung kakayanin ko ba haha.. ok lang ba kung taglish? O dapat talaga puro tagalog lamang?

Posted using Partiko iOS

Yey! Hintayin namin ang entry mo.

Kahit may english, ok lang basta dapat ay 90% tagalog ang akda. :-)

Hahaha sige! Asahan nyo ang akin entry ngayon linggo 😅

Posted using Partiko iOS

Isang magandang gabi sa ating lahat, ito ang aking akda para sa linggong ito! Bukas po ako sa anumang komento, kaya wag mag-atubili.
Di rin ako sigurado kung nasunod ko ba ng tama ang mekaniks, kaya sana ma review nyo ito. Maraming salamat.
https://steemit.com/steemph/@amayphin/pagpipinta-gamit-ang-mga-salita-or-isang-patimpalak

Mukang dumami na ang pagpipilian ate @romeskie

The more the merrier @cradle. Hahaha.

Ang ganda ng mga paksa, mam Rome! ❤❤❤
Sana ay mas maraming sumali. At kahit hindi ako kasali, susubukan ko pa ring sumulat gamit ang mga paksang nabanggit. 😊

Haha. Sige. gusto ko nga rin gumawa ng unofficial na entry. Hehehe

Ang aking Entry bilang isang lalaki dapat Dapat Lagi Kang Handa sa Bakbakan : Ang Bagay na Hindi Mawawala sa Aking Bag sobra sobra sya sa required na bilang hahaha.