Luha Ng Inang Kalikasan

in #teardrops6 years ago (edited)

FB_IMG_1532280071613.jpg

FB_IMG_1532280047228.jpg

FB_IMG_1532279932020.jpg
Labis na lungkot ang aking naranasan.
Ng Makita ko Ang hirap ng mga tao sa aming bayan.
Lubog sa baha na di nadanas kahit minsan.
Ito na ba ang ganti sa amin ni inang kalikasan?

Malakas na buhos ng ulan na tila walang tigil.
Ito rin ang sanhi ng ilang buhay na nakitil.
Pagunlad ng bayan ay nakasama nga ba?
O dahilan mismo'y tao nawalan ng disiplina.

Kahit sa simpleng pagtapon ng maliit na basura.
Ito ay may malaking epekto kapag naipon na.
Pagbara ng mga estero ay nagdudulot Ng baha.
Disiplina sa sarili ngayon ay kaylangan na.

Pagunlad Ng Bayan sadyang nakakatuwa.
Sabay sabay na pagusbong Ng mga bagong imprastraktura.
Sibilisasyon sa Bataan ay sadyang nararanasan na.
Ngunit dahil sa mga ito ilang puno ang nasira.

Pagpapalawak ng daan kanilang nilulunsad.
Upang trapiko ay maiwasan papunta sa syudad.
Limang libong puno ang dapat na putulin.
Upang ang kinatatamnan nito'y siyang sasakupin.

Punong nasira palitan man ay ilang taon aoping bibilangin.
Ilang bagyo at baha pa ang ating haharapin.
Sana itong sakuna ay nagsilbing ng leksyon.
Sa ating mga tao at sa susunod pang henerasyon.
Naisulat itong tula upang magbigay ng paalala.
Kalikasan ay ingatan, bigyan ng importansya.

Photo source: Bataan weather page
received_2055465991443709.jpeg

Please cast your vote for @surpassinggoogleas a witness. Visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" in the first search box.

To give him your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Sort:  

"Pagunlad ng bayan ay nakasama nga ba?
O dahilan mismo'y tao nawalan ng disiplina."
I like these lines from the poem. We Filipinos ought to have discipline.

Sa ganda Ng Tula mo, ako ay napaluha! @alyssaechavaria sapagka't ito'y naranasan namin

Touching Poem! Be a good citizen. Love our mother earth to save lives.