"Katanungan sa iyong paglisan"

in #teardrops7 years ago

image

Sa isang napakasakit na laro sa mundo
'Yung nalaman mong mahal mo'y 'di ka pala gusto
Di naman kita masisi
Di mo din kasalanan kung bakit ito nangyari
Pangyayaring paglisan mo na walang mensahe
Mga panahong pag-iwan mo sa akin sa ere
Totoo nga!
Na kapag nagmahal ka, masasaktan ka talaga!
Kaya nga siguro kailangan ko nang tumigil magmahal pa ng iba
O kailangan ko pang maghintay ng babaeng sa akin ay... magbibigay halaga
Tama ba?
Tama bang magmahal ng todo ng iisang beses lang?
O magmahal kahit walang kasiguraduhan?
Mali ba?
Mali bang kwinento agad kita sa aking barkada?
Mali bang pinaalaman ko sa kanila na saki'y...
may panibago nang nagpapasaya?
O mas mali bang pinakilala kita
Pinakilala kita!
Pinakilala kita bilang babaeng sakit lang ang dala
Di ko pa din maunawaan,
Kung bakit sa paglisan mo'y ang dami kong katanungan
Dahil ba sa iyong paglisan ay 'di ka nagpaalam?
O dahil sa unti-unti mong pag iwan 'di ko nararamdaman?
Pero bakit nga ba?
Bakit ako pa ang napili mong saktan?
Kailangan mo lang ba ng libangan o laruan?
O mas kailangan mo ng oras na mapaglilipasan
Bakit nga ba?
Bakit nga ba sa panloloko n'yo kayo'y nagiging masaya?
Bakit ako pa ang napiling putulan ng ligaya?
Bakit nga ba?
Bakit nga ba ang pag-amin mo'y huli na?
Bakit ang puso ko pa ang hinuli kung itoy gagalusan mo lang pala? Bakit nga ba?
Bakit nga ba kita nakilala?
Bakit mas pinili ko pang maka-usap ka kaysa alamin na ako'y sasaktan mo lang pala
Bakit nga ba?
Bakit nga ba hanggang ngayon inaalala ka?
Siguro panahon na para limutin na rin kita
At tanggapin ang totoo,
Na sa relasyon nating nabuo
Ay mali, hindi pala ganito
Sa istorya nating tatlo
Isa lamang ako'ng panggulo

Photo Source: Google


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

image
image