"Takot"
Ilang beses ko ng ninakawan ang sandali
Upang makita ang matamis mo'ng ngiti
Ilang beses ko ng ipinagdadasal ang tulad mo'ng binibini
At nangangarap sana , sana maging akin
Hindi man sapat ang naipon kung pera sa alkansya
Sapat naman ang dala kung ligaya para sa simpleng bagay maging masaya ka
Di ko man kayang ibigay materyal na hinahangad mo
Kaya ko naman ibigay ang pagmamahal na tanging sayo
Mangangako'ng magiging tapat ang tulad ko'ng patpat
Sa tulad mo na karapat-dapat na higit mahalin sa sapat
Sapagkat bawat sakit at pait ay dapat kapalit ang sayang masambit
Nang tulad mo na dyosa na minimithi makamit
Langit ang makapiling ka kahit saglit
Tadhana sana maging mabait hindi mapait
Sana saya hindi luha ang hatid nito'ng kapalit
Tatanggapin ko ang bango ng iyong pagkatao
At siya din ang pagtanggap ng baho mo'ng itinatago
Pangako hindi luha ang aagos sa'yong mga mata
Bagkus pagkagalak at hindi pag-iyak sinta
Hindi kita gagapangin hanggat walang singsing na nakakabit
Hindi magtatapos sa mga salitang masakit
Sapagkat sa harapan ng altar at may sumpaang masasambit
Ngunit hanggang ngayon walang lakas ng lood na sabihin ito
Hanggang sulat nalang ng malayang tula na alam ko
Photo Source: Pixabay
To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca