"Markang Tinta"

in #teardrops7 years ago

image

Nabahidan
Nadungisan
Ang aking katawan
Nanuot
Ang sakit
Sa aking kalamnan
Aray!
Bawat tusok ay lumalatay!
Na parang ang kaluluwa ko'y bigla na lamang nabuhay.
Ako ang larawan ng kababaihang matapang
Kaakibat ang mga hugis na may taglay na kahulugan
Hindi upang bastusin ang aking kasarian
Bagkus upang isiwalat ang sining ng kaanyuan.
Lahat
Ng panghuhusga
Ay aking natamasa
Nang dahil sa sa katawan kong
Pulos markang tinta
Tintang minsa'y itim,
madalas ay
Luntian
Binabalot ang aking
maputing katawan.
Pananampalataya, pagmamahal o maging katapatan.
Hangin, apoy, tubig o kalawakan.
Maaring magulo
ang nakikita ng iyong mata.
Samu't saring bilog, tatsulok, o iba't ibang Linya
Ngunit ang isang Sining ay ganoon talaga
Hindi mauunawaan kung mangmang ang nakakakita.
Kapagkuwan
Ang tunay na nakakaalam
Ng buhay makabuluhan
Bukod sa markang tinta ng aking katawan
Ay ang kasiningan
Bakas ang lahat ng aking pinagdaanan
Ang tunay na markang Tinta
Ang linya ng katandaan.
Batid ng aking kaalaman
Na walang magnanais masaktan
Ng walang dahilan
Ako
Ang larawan
Ng katapangan nang kababaihan.
Hindi sa dahil ang buhay ko'y masalimuot
Hindi sa dahil nais kong kayo'y matakot
Hindi sa dahil umiinom ako ng ipinagbabawal na gamot
Hindi dahil ang utak ko'y malikot.
Minsan, kapag may bagay kang nagustuhan.
Kahit hindi nila maintindihan.
Kahit iyon pa ang maging dahilan kung bakit ka hinuhusgahan.
Kahit iyon pa ang maging sanhi upang ika'y pandirian
O katakutan.
Gugustuhin mong ipaglaban.
Katulad ng MARKANG TINTA
sa aking KATAWAN.

Photo Source: Pinterest


To give @surpassinggoogle your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arca

image

Sort:  

You do things when the opportunities come along. I've had periods in my life when I've had a bundle of ideas come along, and I've had long dry spells. If I get an idea next week, I'll do something. If not, I won't do a damn thing.

Ikaw na ang Supremo sa paggawa ng tula @upme2!

Congratulations @upme2! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

Click here to view your Board

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @upme2! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!