Ang Makasaysayang Cuartel ng Oslob

in #travel6 years ago (edited)

IMG_20171030_120630.jpg

Sa aking mga lugar na napuntahan ay hindi ko inaasahang magiging interesado ako sa kasaysayang ng lugar dahil tanging nais ko lamang noon ay ang makakuha ng magandang litrato. Ngunit napagtanto kong sa bawat lugar ay may nakakubli palang mapapait at magandang kuwento na mas dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa magliwaliw.

Sa aking pagbisita sa timog bahagi ng Cebu, napagdesisyunan kong pumunta sa Oslob kung saan ang lugar na ito ay kilala bilang "Whale Shark Sightseeing". Ito ma'y naging pangunahing dahilan kung bakit napukaw ang interes ko dito ngunit napakarami pa palang mga magagandang tanawin ang nakapaloob sa lugar na ito. Kagaya na lamang ng Tumalog Falls, Nuestra Señora de la Inmaculada Concepcion Church at ang Cuartel.

Katulad sa ibang lugar ang Oslob daw ay hinango mula sa hindi pagkakaintindihan ng mga Kastila at sa mga naninirahan dito. Ang lugar na Oslob ay kilala rin dahil isa ito sa may napakagandang baybayin sa buong bansa. Bukod sa pagiging isang lugar pasyalan, maganda rin itong destinasyon para sa mga taong mahilig tumuklas ng kasaysayan.

Ayon sa mga taong naninirahan malapit doon na ang Cuartel ay katumbas nito sa Ingles ang "barracks". Ito raw ay ipinatayo upang maging himpilan ng mga sundalong Kastila. Ipinatayo raw ito ni El Gran Maestro Don Marcus Sabandal ngunit noong 1899 ay ipinatigil ito noong dumating ang mga Amerikano. Ito na sana ang magiging unang depensa ng "naval forces" ng mga Kastila sapagkat ang lugar ay isa sa palaging inaatake ng mga Moro.

Ang Cuartel ay gawa mula sa korals na mula sa Nuestra Señora de la Inmaculada Concepcion noong bumagsak ang "bell tower" nito. Tinatayang 19 centimeters ang kapal nito at ang harap ng "coral stone ay nakatampok ang hilera ng arko.

Napakagandang tanawin ngunit hindi na nakikita ng mga turista ang halaga at ang yaman ng kultura ng mga Pilipino. Bilang isang manlalakbay na mahilig sa kasaysayan ng isang lugar ay nalulungkot akong isipin na tanging ang kagandahan ng lugar na lamang ipinupunta at hindi kung anong kasaysayan mismo ng lugar na ito. IMG_20171030_120700.jpg