Tula #2: Pagkakaibigan: Ugnayang Hindi Natutumbasan

in #tula7 years ago

P1010459.JPG

IMG20171226145048.jpg
Elementarya pa lang ng unang nagkakilala
Naging magkapatid na ang turingan
Sa haba-haba ba naman ng pinagsamahan
Na kahit bagyo ay 'di kayang tibagin ang ugnayan.

Minsan man ay parang si Tom at Jerry kung mag-asaran
Patunay sa pagkakaibang tunay at walang halong plastikan
Pinakamahirap na desisyon na nauuwi sa masinsinang usapan
Anong oras ang lakwatsa ?kaninong bahay ang punpuntahan?

Pagbabalik-tanaw sa nakaraan ay nagsilbing katuwaan
Mga simpleng ala-ala ngunit kailan man ay hindi matutumbasan
Tuwing magkasama problema ay nalilimutan
Kulubot sa noo ay napapawi ng malakas na halakhakan.

Sa bawat pangangailangan ay palaging nandyan
Nagsilbing lakas sa panahon ng kahinaan
At patuloy na nagbibigay saya sa pusong puno ng kalungkutan
Kaibagan, salamat sa pagiging sandigan.

Sort:  

Congratulations @hepzyzy! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

awe... now missin my besty..heheh thanks for sharing @hepzyzy

we're on the same boat 😊