Ngiti sa mga labi #tula pilipinas
Ako ay nakakaramdam ng ibang kasiyahan
Habang pinagmamasdan ko ang mga larawan
Lahat ay masaya, nakangiti sa mga kuha nila
Hindi mababayaran ng salapi, halaga ay balewala
Iba't iba ang mga posisyon, ng bawat kapamilya
Nakakapawi ng pagod, ang puso ko ay sumasaya
Ngiti sa mga labi, sa tuwina aking masisilip
Ang pahina ng mga kasayahan, dito ay nakasuklip
Pakaiingatan ko itong litrato, ng aking mga mahal
Upang sa sunod na henerasyon makita nila ng aktuwal.
Thank you for dropping by:
Please!
Follow!
Resteem!
Comment!
Upvote!
God bless us all..