#ulog: All parents must be allowed to read this
Parents
Bakit may mga magulang na hindi pinapansin ung nararamdaman ng anak nila? Akala nag iinarte lang ung mga anak. Hinahayaan nila na hindi makapag open up sa kanila ung mga anak nila. Yeah sabihin nating may ilan na baka hindi showy, busy sa trabaho, or may problema din sila, pero syempre ano ba naman ung isang araw na pakinggan nila at hayaan na magvoice out ng nararamdaman ung anak nila diba? Wala namang mawawala kung magbibigay kayo ng time para sa family nyo, especially sa mga anak nyo. Malaking bagay na un para sa mga anak. Sa mga magsasabing pasalamat nalang kasi ung iba walang magulang? Yeah thankful din kami kasi may mga parents padin kami pero iba padin kapag open ka sa nga magulang mo. Hindi nyo naiintindihan ung nararamdaman ng isang anak na hindi makapag open sa magulang nila. Ung tipong gustong gusto kausapin ung parents pero at the end mananahimik nalang kasi alam na hindi naman papakinggan. Ung punong puno na sa loob pero di mailabas kasi di naman papansinin. Parents, minsan magsabi din po kayo sa mga anak nyo masarap po sa feeling na nailalabas ng mga anak ung mga hinanakit nila without judging them. Sa panahon po ngayon kahit kaibigan nila di mawawala ung judge. Parents are the best adviser.
Ma, Pa.. ginawa ko naman lahat... Sinabi ko din sainyo ung mga nararamdaman ko pag sinusurprise ko kayo, kapag may event na pwedeng magbigay ng letter sayo. Pero binabaliwala nyo lang. Ma,. naalala ko noon niyakap kita pero anong ginawa mo? Tinanggal mo ung mga kamay ko kasi naiirita ka. Simula nung araw na un hindi ko na tinangkang ulitin pa sayo un. Ma hanggang ngayon ang lakas ng impact sakin nun. Ano ba naman ung hayaan mo nalang diba? Bakit kailangan na mairita kapa? Akala ko nung nagsorry ka sakin nun may magbabago. Pero wala ganun padin. Konting kibot naka bulyaw kana sa akin. May mga problema din ako ma. Pakinggan nyo naman ako mama, papa.
@surpassinggoogle: Nothing can compare you sir terry in terms of doing and helping others. I feel so sad today so this is my entry to your @teardrops and I believe as you say that every teardrops would be rewarded