usapang music

in #ulog6 years ago

karamihan sa mga pilipino ay mahilig sa music kahit hindi naman marunong kumanta yung iba,
itong topic na ito at tungkol sa mga magagaling na singer sa pilipinas at maging sa ibang bansa,
may ibat ibang mga genre kung tawagin, may RNB, may ballad, etc.
may mga kanta din na hindi na malaman kung anong klase yung genre na yun,

hindi ko alam kung bakit gusto ko din ng mga kanta ng mga babae, nagugustuhan ko din ang mga kantang luma,
mas gusto ko pa nga yung lumang kanta kaysa sa mga bagong kanta ngayon,
sino ang nakakakilala dito sa picture na to.

charice_pompengco-300x300.jpg
source

alam niyo naman guys kung anong nangyari sa kanya, pero hangang hanga tlga ako sa talent niya, hanggang ngayon, lagi kong pinapanood yung mga dati niyang kanta,

ito ang isa pang magaling na singer na idol ko, kahit luma na ang mga kanta niya pero para sa akin, hindi nakakasawa pakinggan yung mga kanta niya
images.jpg
source

siya ay si CelineDion, maraming kanta niya ang malimit gamitin sa mga singing contest,

itong susunod na singer ay hindi masyadong pamilyar sa iba, siguro kaunti lang ang nakaka apreciate ng mga kanta niya, kung meron mang iba, baka hindi ko lang alam,
download.jpg
source
siya ay si Debie Gibson, para sa akin, iba sa tainga ko, may kakaibang feeling pag naririnig ko yung mga kanta niya, ang sarap niyang pakinggan lalo na pag umuulan tapos mag isa ka lang sa kwarto

pumunta naman tayo sa mga boy band, pero luma parin ito, mas gusto ko din kasi maging sa mga boy band ay yung mga dating grupo, at hanggang ngayon naririnig parin yung mga kanta nila sa radio, hindi kagaya nung mga bagong mga grupo ngayon, saglit lang, pag hindi na sikat, hindi mo na maririnig,
ito ang isa sa grupong boy band
unnamed.jpg
source
ang pangalan ng grupo nila ay "MICHAEL LEARNS TO ROCK"
mahilig din tong kantahin ng mga lasingero sa amin,
natatandaan ko dati, pag pinapatugtog ito ng mga kuya ko sa dvd, ang lakas lakas ng volume kaya natandaan ko lalo

ito ang isa pang boy band na mahuhusay din kumanta, hindi ko lang sigurado kung kumpleto paba sila ngayon
westlife.jpg
source
ang walang kamatayang "weslife" sila ay isa sa mga boy band na ang bawat member ay talagang magagaling kumanta, lalo na yung dalawang lead vocalist

ito pa ang isa boyband na kasabayan nila kung hindi ako nagkakamali,
wenn30135_272613.jpg
source
"A1" ang name ng grupo nila, hindi ko na lang alam ngayon kung ano na ang nangyari sa kanila, pero still, masarap din pakinggan ang mga kanta nila, gaya nung mga unang band,

at kung ano man ang klase ang inyong paborito, ang mahalaga ay music lover din kayo, at kahit hindi kagandahan ang boses natin, pero atleast marunong naman tayo kumanta kahit sintunado minsan haha
at ang pinaka importante,hindi natin nakakalimutan na kung nagagamit natin ang ating boses sa pagkanta, mas nagagamit natin ang talento kung mayroon man sa pagkanta at pagpuri sa ating Dios na lumalang.

Sort:  

Congratulations @momonja! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You made more than 1500 upvotes. Your next target is to reach 1750 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!