Word Poetry Challenge #:10"Pagsubok"

in #wordchallenge6 years ago

"PAGSUBOK"
stock-photo-woman-hiker-on-a-top-of-a-mountain-221809534.jpgpinagmulan

minsan ako ay nangarap
na sanay gumanda ang hinaharap
Inaasam makarating sa tuktok ng bundok
nagsimulang gumapang, hanap-hanap ang daan
natutong tumayo, naglakad at tumakbo.

hindi naging madali
sapagkat sa daan paakyat may nakakubli
kakambal ng aking pangarap
na siyang nanggugulat at nagpapahirap.

dalangin ko sana'y
maging Dora na manlalakbay
kahit problema sumasabay
kayang lumaban at magtagumpay
sapagkat sa dala-dalang supot
na sa likod nakasabit
ay puno ng sandata at gamit
Ay! di halatang siya'y handa!

pinilit kong kopyahin si Dora
ngunit ang supot ko'y mabigat pala,
inakalang ang sandata ay sapat na
ngunit bigat di ko kinaya
kaya minsan ako'y huminto
binagalan yaring takbo
inaaninag ko ang tuktok na andun pa sa malayo.

ngayon ay magpahinga muna
at sa darating na bagong umaga
sisimulan na naman ang paglalakbay
patungo sa inaasam na tagumpay.



Isang magandang gabi sa ating lahat. Naway tunay ngang maganda ang yung gabi. Lagi lang tandaan, na kung tayo ay nahihirapan. Wag kalimutang magpahinga at magdasal narin. Laban lang! Ika nga may bukas pa.Paalam. Hanggang sa muli. Salamat.
Sort:  

Dinamay pa si dora ahh. Haha :D Nga pala, magandang gabi sayo :)

hahha.. ewan ko ba, siya yong unang pumasok sa kukuti ko ayon tuloy..ganda gabi rin..

Hahaha. Okay lang yan. Di naman siguro siya magagalit. Choosy pa siya. Famous na siya sa steemit ngayon. :D

tama!deserving naman siya maging star..hahah

Oo nga. Hehe :)

haha ayos yong sayo, napatawa mo ako mbes na gusto kong malungkot lge.hehe

emo naman talaga dapat yan.. kaya lang naalala ko si Dora e..hahahh

This comment was made from https://ulogs.org

haha, bat naman naging dora pa, lagi ka yatang nanonood nyan eh.haha

hahha. . yes magaling kasi mag hanap ng paraan yan. . 😂😂

haha magaling b, umaasa lang dn sa computer yan.haha

magaling mag call a friend...hahah

anyway naka dalawang tula kanaba?malapit na yata end ng submission kaya gumawa amo ngayn lang.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

wow.. salamat sa pagkilala, ang saya naman..

This comment was made from https://ulogs.org

Nagustuhan ko po kung paano mo naihambing ang paglalakbay mo katulad ng kay Dora. Lalung-lalo na po ang mga linyang

pinilit kong kopyahin si Dora
ngunit ang supot ko'y mabigat pala,
inakalang ang sandata ay sapat na
ngunit bigat di ko kinaya
kaya minsan ako'y huminto
binagalan yaring takbo
inaaninag ko ang tuktok
na andun pa sa malayo.

salamat lingling, isang magandang halimbawa ang paglalakbay niya dahil siya handa sa anumang pagsubok, kaya lang sa totoong buhay mahirap maging handa sa lahat ng panahon. minsan hahanapin mo pa ang panangga para di ka matamaan..heheh😊