"Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw"
di ko inakala .... at nakita kita sa tagpuan ni bathala may kinang sa mata na di maintindhan tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo nung ako'y ituro mo .. Sya ang panalangin ko.
Noong gabing iyon, noong ang musika at ilaw lamang
Ang bumubuhay sa paligid,
Ang mga tao ay abala sa sulok
At lagalag sa apat na dingding.
Ang tao ay naghanap ng pag-ibig
Sinabayan ang awit ng musika
Kumausap at humiling,
Maaari bang bigyan mo ako ng sayaw sa pag-ibig
kasabay ng tadhana ni Bathala?
Sumagot ang pagmamahal,
Maibibigay ko ang iyong gusto
Kung tatangapin mo ang kapalit kong hiling.
Kailangan mong suungin ang sayaw ng sakit
sabayan mo ang sayaw ng tinik sa awit
At kailangan ay hindi ka madapa sa lungkot.
Tinanggap ng tao ang alok na sugal,
Sinuyo ang bawat saknong kahit pagal
At nang matapos ang sayaw na sugal
sayaw na puno ng pighati at pagsisisi
sa dulo ay kasama nya ang pag-ibig.
Sabay nilang inawit ang panibagong ritmo ng saya
Ang bawat taludtod ng ligaya,
Ngunit sadyang mapusok ang tadhana
Ang pag-ibig ay naging huwad
Galit,sinungaling,malihim
At nawala ang tiwala ng nagmamahal sa bathala
Dumilim ang langit na dati’y puno ng saya
Pinagkait ang ngiti’t hindi na maigalaw ang mga paa,
Kasunod nito ay dumating ang malungkot na sayaw
Ng pamamaalam at nalunod ang mga mata sa luha.
At matapos ang unang sayaw ng sigwa
Kasabay ang puso sa nasira
Kabilang ang tiwala sa nawala.
Ang taong nagmamahal ay muling sumayaw mag-isa
Ngunit pagkatapos dumatal ang unang sayaw ng sakit
Kasabay ng gabing walang kasing ginaw
At sa wakas sasayaw muli sya
Muling humingi ng huling sayaw sa tadhana
Sasayawin muli ang sakit at hihingi ng pag-asa kay bathala
Ngunit sa ngayo’y huli na.
Ang taong nagmamahal ay pagal na
Maaring ito ang huling sayaw na hiling
At sa bathala’y muling dadaing
Susundan ang pagtanggap sa minamahal ngunit,
Hindi ba’t walang magmamahal
kung walang pagmamahal.
narito po ang piyesa ko sa patimpalak ni @jassennessaj
ito po ay orihinal kong likha at naaayon sa aking nararamdaman. Ito po ay patungkol sa isang nagmamahal na sumubok magmahal ngunit nasaktan dahil sa pagkawala ng tiwala at muling susubok magmahal kahit halos nawala na ang pagmamahal sa kanya. Inaalay ko po ito sa iisang babae sa buhay ko ngayon. salamat po sa patimpalak na ito at nailahad ko itong emosyon na ito.