Word Poetry Challenge #7 : Simbahan

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Simbahan

by : @jembee

images.jpg

Pinagmulan ng Imahe

Simula noon tayo na ang magkasama
Mula umaga, abotin man ng gabi
Sa paglalaro ng bahay bahayan at takbohan
Tayo'y naging matalik na kaibigan

Nong tayo'y nasa elementarya
Palagi mo akong binibigyan ng barya
Sabay kakain ng chichirya
O! Ang sarap balikan, ang saya

Naalala mo pa ba?
Nong hayskul ang seksyon nati'y magkaiba
Ikaw pa'y nagtampo't nagluksa
Pero kahit ganon sabay parin sa pag - uwi

Nasa kolehiyo tayo nong lumipat kayo
Panay ang aking iyak habang tanaw kita sa layo
Ubos ang luha nating dal'wa sa kakaiyak
Pero kailangan, pupuntahan kita doon 'yon ang aking balak

Nagpatuloy ako ng walang kasama
Palaging umiiyak at natutulog sa kama
Binigay ko nalang ang lahat ng oras sa pag - aaral
Para makalimutan ang nakaraan nating asal

At sa huli, ako'y nakapagtapos
Ginawa ko ang lahat para di makapos
Pero ang unang tanong ko sa aking sarili
"kumusta na kaya siya?" tapos pinilit ang sarili na mawili

Lumipas ang limang taon
At ako'y nakapag pundar na
Parang nakita kita, "bumalik ka na ba?"
Tinawag kita at ika'y lumingon sakin banda

Mas gumanda ka at propesyonal nang tingnan
Yinakap mo ko at ganon din ang ginawa ko sayo
At tumigil ang mundo ko nong pinakilala mo si "ethan"
Kita sa iyong mga mata ang tuwa na iyong nadarama

Ang sakit sakit talaga
Parang ang puso'y nagbabaga
Pilit kung ngumiti sa inyong harapan
Bumalik na naman ang sakit nong ako'y una mong iniwan

Nagplano kayong magpakasal sa simbahan
Kinuha mo akong "groom's men" sa inyong kasalan
Sakit man sa aking kaluoban
Pero tinanggap ko ito, walang personalan

Dumating na ang araw ng iyong kasal
Umuna ako sa simbahan para magdasal
At nagsimula na ito sa hudyat ng musika
Lahat ng tao'y pumalakpak ng makita ka na parang manika

Naalala ko lahat lahat
Habang ang luha ko'y aking buhat
Tumingin ka sa akin habang naluluha sa tuwa
Habang ako'y nakatingin sayo, puso'y nagwawala

Kaya't idadaan ko nalang sa lapis at pankulay
Ang nais kong mangyari sa aking buhay
Mula sa bahay bahayan patungo sa totoong bahay
Kasal kasalan patungo sa totoong kasalan

Iguguhit ko nalang ang simbahan
At ako bilang iyong kasintahan
At akin nalang kukulayan
Para kahit sa drawing man lang tayo ang magkatuluyan

Ito po ang aking entry sa patimpalak ni @jassennessaj. Kung nais niyo pong sumali i - click lang ang link sa ibaba :

https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-7-tema-simbahan-or-tagalog-edition

MARAMING SALAMAT PO!