Word Poetry Challenge # 4 : Makalumang Harana

in #wordchallenge7 years ago

Makalumang Harana


2018-05-26 02.54.54 1.jpg

Orihinal na komposisyon ni @joco0820

Sarap namang balikan nung nanliligaw ka pa
Dudungaw sa bintana kahit umagang umaga
Tinitignan ka habang tugtug ang iyong gitara
Kahit sa makabagong panahon nanghaharana ka

Araw-araw iba't ibang kanta ang inaalay mo
Botong-boto sayo ang nanay at tatay ko
Pati mga kapatid koy sinasabing maswerte ako
Habang ako? Heto, kinikilig lang naman sayo

Kinikilig habang gitara moy iyong kinakaskas
Kinikilig sa bawat salitang iyong binibigkas
Ikaw ay sinagot at panliligaw moy nabigyang wakas
Sa sayang nadama gitara moy muntik mong mahampas

Parating may dalang pasalubong tuwing bumibisita ka
Tumumulong sa pag iigib ng tubig para mapuno ang timba
Tutumulong sa pagsisibak para sa hapunan natin mamaya
Pamamaran moy iba, parang makalumang pag aasawa

Ngunit akala ko ay iba ka, mali pala ang aking akala
Ako ay iyong nabuntis at bigla ka nalang nawala
Umalis at di na nagpakita, naglaho na parang bula
Tamis ng iyong makalumang harana ay walang napala

Labis ang aking pagkalungkot at akoy iyong niloko
Puso koy nakabigkis parin sa iyong mga pangako
Nakakulong ang sarili ko sa tamis ng iyong kanta
Sanay di ako nadala, di nala sa iyong makalumang harana


Ang sarap naman talagang balikan ang sinaunang pamamaraan na panliligaw ng isang lalaki sa kanyang sinisinta. Ang tulang ito ay ang akdang inilalakahok Word Poetry Challenge # 4 ni @jassennessaj. Maraming salamat po!

Ako nga po pala si @joco0820

 UPVOTE   |  RESTEEM   |  FOLLOW

Sort:  

Grabe sya oh! Pagkakuha ng ano sibat na agad grabe di sya tunay na lalaki. Di kayang panindigan ang nagawa nya tsk tsk tsk.

Pero tama ang makalumang paraan ng panliligaw ay talagang napakaganda ngayon kasi pag tinext mo ang iba

Lalake: Gusto kita, tayo na?
Babae: Sige tayo na baby.

O diba ang bilis lang

@tagalogtrail ako'y nadala kahit pa natawa sa iyong magandang komento!!

ou nga eh. pero kasi naman po mas masasabi mo talagang mas tapat at tunay ang panghaharana kay sa text lang.
maraming salamat po

Totoo ginoong @joco0820, siya nga pala napakahusay ng iyong katha

maraming salamat po @cradle
sana po ay manalo sa paligsahan ni Ginoong @jassennessaj.
hehehhe

ou nga eh. hahaha mas sweet parin may kumakanta kasabay ng gitara
pero parang di na uso yun eh hahahha

Loding lodi ka talaga @joco0820. Maraming salamat sa walang sawang suporta sa Word Challenge. Naway pagpalain ka :)

salamat Ginoong @jassennessaj.
sana nga po eh hahhaha