Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina

in #wordchallenge7 years ago (edited)

A K I N G

I N A


2018-06-08 09.50.50 1.jpg
orihinal na komposisyon ni @joco0820

Wonder Woman, Supergirl, o kahit na si Darna
Sa angking galing sila sayo'y walang panama
Si Venus, Shamcey, Janine at kahit na si Pia
Sa angking talino at ganda silay walang wala

Kahit si Ginang Cory at kahit pa si Ginang Gloria
Sa pagtataguyod ikaw parin ang tunay na reyna
Kahit si Ginang Korina at kahit na si Ginang Jessica
Sa pagbibigay ng mga payo ay walang kapantay ka

At sa tuwing nagkakasakit at katawan ay matamlay
Parang Tandang Sora ang alaga na iyong bigay
Handa mong harapin ang bawat pagsubok sa buhay
Mala Gabriela Silang ang angking tapang mo inay

At tuwing mag aalmosal at sa pagkain akoy walang gana
Ikaw ay nagpapatawa na para bang si Vice ganda
O kayay magdadrama na parang si Nora at Vilma
Maituwid lang ang kumukulog kong tiyan at bituka

Kaya hayaan mong ikumpara kita sa kanila
Hindi man dapat ngunit alam kong nabibilang ka
Hindi ka man sikat at walang maraming nakakakilala
Sapat nang malaman nilang ikaw ay may ibubuga

Dahil tunay nga namang dakila at the best kang babae inay
Pagmamahal mo sa amin ay walang patid walang kapantay
Panalangin ko sa Diyos ay bigyan ka pa ng mahabang buhay
Ng masuklian ko ng husto ang pagmamahal mo sa amin ay iyong alay


Ang tulang ito ay tungkol sa isang mapagmahal na ina, kung saan ikinukumpara ng anak ang kanyang ina sa iba't ibang personalidad. Kay Woder women, Supergirl at kay Darna na puro mga babaeng super hero. Ikinumpara din nya ang kanyang ina sa dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas na sina, Pangulong Cory C. Aquino at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ikinumpara din nya ang kanyang ina sa mga kilalang personalidad sa larangan ng showbiz tulad nina, Korina Sanchez at Jessica Sojo pa pawang mga tagahatid ng balita, kina Vice Ganda, Nora Aunor at Vilma Santos na kilala naman sa mga pilikula at pagpapatawa. Ikinumpara din nya ang kanyang ina sa mga babaeng bayani na naging matapang sa panahon ng pananakop ng mga banyaga lalong-lalo na ng mga kastila, sina Tandang Sora na tagapagamot sa mga nasugatang sundalo sa panahon ng gyera at so Gabriela Silang na tinaguriang pinaka unang babaeng namuno sa kilusang Pilipino laban sa Espanyol. Ngunit sa huli alam ng may akda na hindi dapat ikinukumpara ang kanyang ina sa bagay bagay ay pinaliwanag na gusto lang na maihayag kung gaano siya ka bilib at pinagmamalaki ng mabuti ang kanyang ina.
Pinakapakita din sa tulang ito na kung gaano ga ganda magmahal ang isang ina.

At ang tulang ito ay ang akdang ilalahok ko sa paligsahan ng pagsulat ng tula na pinangungunahan ni Ginoong @jassennessaj.
Sana po mga mahal kong mambabasa ay nagustuhan niyo ang tulang gawa ko.

UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW

Sort:  

Napakagandang pamamaraan upang irepresenta ang isang ina sa pamamagitan ng isang tula. Punong puno ng emosyon at madadama mo talaga sa bawat salita at linya ng iyong tula. Mabuhay ang mga makatang Pinoy!

Maraming salamat po sa apresasyon @spreadyourword
Nakaktuwa pong malaman na may mga taong napahanga
ang mga tula at akda na aking gawa

Walang anuman kabayan @joco0820! Ipagpatuloy mo ang pag antig sa mga damdamin ng bawat taong makakabasa ng iyong mga tula :)

Go here https://steemit.com/@a-a-a to get your post resteemed to over 72,000 followers.

Congratulations @joco0820! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last announcement from @steemitboard!

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!