Word Poetry Challenge #7 : Simbahan (Pangalawang Entry)
"Simbahan"
Kay sarap balikan
Ang magandang alaala nakaraan
Lalo na sa una nating tagpuan
Sa isang simbahan
Nagsimula sa text ang ating unang usapan
Hanggang sa naging magkaibigan
At tayo na ay nagyayaan
Na magsimba sa malapit na simbahan
Hanggang sa naganap na
Ang una nating pagkikita
At kitang kita sa'ting mga mata
Ang saya't kilig na naramdaman nating dalawa
Nagdaan ang mga araw na linggo
Di magmimintis na tayo'y di magtatagpo
Dahil ang mga ngiti't mata mo
Ay hinahanap-hanap ko
Di natagalan
Tayo'y nauwi na sa isang pag-iibigan
Tayo'y labis na nagmamahalan
Pati kasal ay akin ng pinagplanohan
Kaya minabuti ko munang itago
Ang planong mag-propose ng kasal sa'yo
Para ika'y masurpresa
At sa simbahan ko iyan itatakda
At ang araw ay tumakda
Na yayain kang magpapakasal na
At labis ang aking tuwa
Na "oo" ang lumabas sa iyong labi pati sa iyong mga mata
Ang mga araw at buwan ay dumaan
Pagkatapos nong nag-propose ako sayo sa simbahan
Tumakda narin ang ating kasalan
Na matagal kong inaasam-asam at pinagplanohan
Kitang-kita sa ating mga mata sa araw na iyong ang ating kasiyahan
Ang istorya ng ating pag-iibigan
Na nagsimula sa pagkikita sa isang simbahan
At nag-uwi rin sa altar ng simbahan
Nawa'y ntuwa kayo sa pangalwang entry ko para sa patimpalak ni @jassennessaj na Word Poetry Challenge na may temang Simbahan pero imbis na tungkol sa simbahan, ang ginawa kong istorya ay tungkol sa isang mag-asawa na ang kanilang istorya ng pag-ibig ay nagsimula lahat sa simbahan at nag-uwi rin sa simbahan. Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula at mabuhay ang tulang tagalog.
Thanks and Godbless
@jumargachomiano