Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

in #wordchallenge7 years ago

IMG_20180522_150633.jpg

Gintong Medalya

Isinulat ni @kyanzieuno

Lahat tayo'y mayroong pangarap,
Tagumpay na gusto nating malanghap.
Pero ang lahat ay hindi madali,
Sa buhay nating minsay mapagkunwari.

Nakakaranas tayong lahat ng pait,
Minsan masaya, minsan masakit.
Di lahat naaayon sa ating plano,
Dahil may Panginoong may ibang gusto.

Sa buhay natin kailangan magsikap,
Di man madali pero kailangang maghirap.
Dahil mas masarap kung tinatamasa,
Mga nakakamtang dumaan sa dusa.

Dapat isipin ng bawat anak,
Lahat ng paghihirap ng ating kamag-anak.
Sila ang dapat maging inspirasyon,
Sa bawat paghakbang sa edukasyon.

Pagiging matalino't masipag,
Ang siyang nagpapatatag,
Sa ating isip at kalooban,
Sa lahat ng maari pa nating pagdaanan.

Kaya sa bawat taong mayroong pangarap,
Doblehin ang iyong pagsisikap.
Para maabot ang gintong medalya,
Na iaalay mo sa iyong pamilya.


Ito po ay ang aking isinulat para sa patimpalak ni @jassennessaj na pinamagatang "Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya".

Kung gusto nyo pong lumahok, pwede nyo pong tingnan ang mga dapat sundin sa sinabing patimpalak sa ibaba.

"Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya" | Tagalog Edition

Sort:  

Congratulations @kyanzieuno! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Inspiring po ang mensahe ng tula 😊
Magpapakabait at magsisipag na po kami sa pag-aaral, ate @kyanzieuno. Pramis.

Mabuti naman @tagalogtrail. Masaya ako na nalaman kong may mabuting mensaheng naiparating ang tula ko.