Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw
Ating huling sayaw, ay tila ba’y kay saya
Sa akin lang nakatitig ang iyong mga mata
Sabay umiindak ang ating mga paa
At kitang kita ko ang mga ngiti sa labi mong kay ganda
Ngunit sadyang mapaglaro nga ang tadhana
Ang mga plano natin sa ating pagtanda
Ay biglang nawala
Na para bang bula
Lahat ng nangyari sa’tin noon ay naglaho na
Tanging lugar mo lang sa puso ko ang natitira
Pero lahat ng iyon ay hahayaan ko na
Dahil alam kong ikaw ay masaya na
Dyan sa taas, kasama ating Poong ating Ama
Ito ay ang aking entry sa palahok ni @jassennessaj na word poetry challenge.
Galingan mo sa first contest mo. :)
Will do. Thank you, ate! Hahaha.
Galing!👏🏻
thank you po, ate!
btw, please always include #philippines and #steemph sa tag mo para makita ng Filipino curators 😊 pwede mo pa iedit mga posts mo
Noted ate.
Bakit sila ganyan 😢 😢
Salamat sa pagsali!
Haha. Salamat po!