Word Poetry Challenge #15: Pagbabalik

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20180816_174643.jpg

Pagbabalik
By: Rina

Oh aming Inang Kalikasan
Bakit unti-unti kanang lumilisan?
Dahil ba ito sa aming kagagawan?
Na siyang sumisira sa iyong kagandahan

Oh anong lupit kung ating iisipin
Tayo ang pumapatay sa mundo natin
Tapon dito, tapon doon
Ang nag bibigay buhay sa polusyon

Oh kay sakit na ni Haring Araw
Pag liwanag ay dumampi at nakakasilaw
Putol dito, putol doon
Yaon ang nangyayari sa mga puno ngayon

Oh dating malawak at malinis naming dagat
Pasan mo ngayon ang mga basurang kay bigat
Mga isda dito, mga isda doon
Kaunti nalang talaga ang nahuhuli ngayon

Sa tulang ito ay gusto kong iparating
Pakinggan natin ang kalikasan aking daing
Dasal ko ang kanyang pagbabalik
At alam kong lahat tayo ay nasasabik

Nasa atin rin ang susi para matulungan
Ang sarili nating mundong ginagalawan
Iwasan na nating masaktan ng lubusan
Ang nag iisa nating Inang Kalikasan

Ang pagbabalik loob natin sa kaayusan
Siya ring makaka hilom sa sugat ng kalikasan
Ibalik natin ang dating pag-aalaga
Ayusin ang ating mga sinira

Tao ang dahilan, tao ang may gawa
Kaya't tao din ang siyang dapat umunawa
Pagbabalik ng mabuting gawain para sa mundo
Ang siyang kailangang gawin natin bilang tao

Bilang tao na gustong mabuhay
Sa isang mundo na malinis at matiwasay
Inang Kalikasan ating sagipin
Pagbabalik niya ay kailangan natin