"Word Poetry Challenge #7 : Simbahan"

in #wordchallenge7 years ago (edited)

quiapo.jpg

Pinagkunan ng Larawan:

@spreadyourword


"Simbahan"


Sa isang sulok ako’y tahimik na nakaupo

Habang mga mata ay nakatingin sa malayo

Nakalutang ang buong isipan

Ni hindi malaman kung anong dahilan

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal

At humiling na lamang sa Maykapal

Ngunit sa aking paglingat ikaw ay aking masulyapan

Para bang bumukas ang buong kalangitan

Biglang nagliwanag ang dating madilim

Agad nagbunga ang pagdarasal ko nang taimtim

Ang matulala sa iyo ay hindi ko maiwasan

Sa bawat oras na ikaw ay aking masilayan

Marahil ay sa angkin mong kagandahan

Habang ikaw ay nakaupo sa aking harapan

Umuwi akong di maipinta ang mukha

Sapagkat pangalan mo’y ‘di ko man lang nakuha

Subalit tadhana ay sadyang mapaglaro

Landas natin ay muling pinagtagpo

Yung akala kong ako’y tuluyang mabibigo

Pero pagtingin ko sayo ay hindi ko isusuko

Hindi tulad ng kanyang mga pangako

Walang nangyari, lahat ay napako

Tadhana ay di ko hahayaang ako’y muling paglaruan

Ngayon ay buong puso kitang ipaglalaban

Sisiguraduhin kong hindi kita sasaktan

Dahil plano ko na ikaw ay pakasalan

Sa simbahan kung saan kita unang nasilayan

Sort:  

Speechless? Hahahaha Remember how we first met and where?

Yeah, yeah yeah.