Ang Nakatagong Mensahe sa Homily ni Father Rey

in #hiddenmessage7 years ago (edited)

Lubha akong humanga sa nilikha ni @jazzhero, isang parirala na may nakatagong mensahe. Ngunit ito ay kaniyang isinulat sa wikang Ingles. Kaya naman sinubukan ko din lumikha ng katulad ng sa kanya, pero sa wikang Filipino naman. Napakahusay ng kanyang ideya at talagang ako'y napabilib. Nawa'y maibigan ninyo ang aking gawa. At mahulaan din ang nakatagong mensahe.



mula sa

Kahit na anong mangyari, huwag kang aamin!

Umaagos ang luha sa mga pulang mata. Mata na hindi tumitigil sa pagtangis. Pagtangis na nagdudulot ng kalbaryo para sa mga naulila. AMEN.

Gayunpaman, masisilayan din muli ang liwanag. Liwanag na magdadala ng pag-asa at determinasyon para sa naiwan. Liwanag na nakasisilaw ang kaputian. Tagpuan sa pagitan ng buwan at araw kung saan sumisilip ang liwanag. AMEN.

At sa langit na bughaw, ang liwanag ay muling sisikat. Sisikat nang walang sidhi. Lahat ng taong masisikatan ay pagpapalain. AMEN.

Kabilang na rito ang lahing kayumanggi. Bangkay nila ay muling bubuhayin. Lahi nila ay muling lilingapin. Upang pagpapala ng lumikha ay malugod nilang sasapitin. AMEN.

Upang ang paghihirap ay hindi na danasin. Upang ang pagkakabuklod ay maging magandang simulain. At upang sa hinaharap, maabot ang kanilang mithiin. Sa biyaya ng maykapal, sila ay papalarin. AMEN.

Kanyang winika, "At sa luntian ko na paraiso, makakamtan ninyo ang buhay na walang hanggan. Walang sakit, paghihirap at kalungkutan. Walang maliw na kaligayahan ang sa inyo ay nakaabang." AMEN.

"Talikdan ninyo lamang ang inyong mga kasalanan. Huwag kayong mamuhay sa karangyaan at kapangyarihan. Palaging mananaig ang kabutihan laban sa kasamaan. Walang mabuting maidudulot ang pagsamba sa kadiliman. Pagkat ang pagkagahaman sa kapangyarihang itim, sa aking Paraiso ay hindi tatanggapin." AMEN.

"Lahat ng biyaya sa lupa, tanggapin ninyo at lasapin. Dahil kayo na aking mga Anak ang nararapat magtamasa ng aking pagkalinga. Ang mga isda't hayop, puno't halaman, kapatagan at kabundukan. Ang simoy ng hangin, sikat ng araw, patak ng ulan, at ang kalikasan. Ang mga bituin sa langit, ang buwan, at ang malawak na kalangitang kulay asul. Ilog, dagat, talon at batis, ang agos ng tubig mula dito ay walang hanggang dadaloy. Dadaloy nang walang hanggan, katulad ng pagmamahal ko sa inyo, aking mga Anak." AMEN.


mula sa


Ito ang nasambit ni Father Rey Pisca sa kanyang huling misa. Ang kanyang huling misa bago niya isagawa ang eksorsismo kay Emily. Lingid sa kaalaman ng pari, mayroong nakapaloob na mensahe mula sa kanyang homily. Sinadya ba ito ng pari o mayroong hindi maipaliwanag na kababalaghan na kumokontrol sa kanyang pananalita habang nagmimisa? Hanapin ang nakapaloob na mensahe dito.

Panandalian lamang ang kalungkutan. Sa bawat pag-ulan ay may bahaghari na masisilayan. At ito ang nagsisilbing patunay na palaging may pag-asa. Kung ang bahaghari ay matatagpuan pagkatapos ng ulan, pagkatapos naman ng makikita sa bahaghari ay ang kasagutan.

Sort:  

Malupit ang pa-hidden message! Nakakakilabot lalo na pag alam mo ang bakcground ng kwento nila Father Rey.

Andun pala yun clue, di ko nabasa. Haha. Nagtry ako ng iba ibang pattern hanggang sa makuha. Pero magaling talaga lodi.

salamat lodi @jazzhero ikaw talaga ang nagtulak sa akin para gawin yan. ang tindi kasi nung nabasa ko na gawa mo. ang galing ng idea at ang bangis ng pagkaka-narrate. poetic words din ang ginamit kaya talagang nakakabilib. 😊

Mas nakakabilib itong gawa mo lodi. Hands down.
Talagang natuwa ako dito sa post mo, isa sa mga paborito kong libro nun kabataan ko ay ang Encyclopedia Brown series (bukod sa Archie comics). Ang saya din mag-solve hehe.

Nabasa q rin ung kay @jazzhero. :)

Ang galing naman nito Jampol. Mahirap isingit ang pattern ha, pero nagawa mo ng swabe. Na decode q na ang message 😅 pero ayoko i-spoil para sa iba. Hehe.

Nakakabilib din ung pagbigay mo ng clue. Matalinghaga parin pero na tumbok mo. 👏👏👏

Syang tunay, ang galing ng pagkakagawa.
Ang lupit nun nadecode na mensahe. Worth it yun pagsakit ng ulo ng ilang minutes 😅.

Madali q nakuha @jazzhero kasi alam q ung pattern mo. Haha. At alam q din kasi background nung kwento ni Fr Rey! Lupit diba? Grabe kau, mga lodi talaga! ☺

oo! nyahaha! nahirapan ako ipasok ung hidden message. nagkamali pa ako nung una. sa ibang part ko pala nailagay. nyahaha! pero salamat sa patuloy na pag-appreciate sa mga gawa ko. ang sarap sa pakiramdam na may nagbabasa talaga at nagugustuhan ung gawa ko. 😄

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Wala di ko magets ang hidden message huhuhuhuhuhuhuhuh.

Tulong @lingling-ph at @junjun-ph

Ay @toto-ph, puro kasi lakwatsa at harot. Kasama yan sa exam, isolb mo po XD


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.