RE: The Diary Game Season 3, Week #18 | September 08, 2021 | Maulan na panahon kasama ang pamilya
Ang saya saya ng araw mo Mommy Chy kasama ang iyong happiness. Nakakatuwa ang iyong two boys na anak yong isa mahilig magsulat, tama yan para maganda ang penmanship niya nagaaral sya sa mga letters. Yong panganak mo naman coloring or painting amg cute ng gawa nya. Iba kapag ang mother talaga ay nasa bahay dahil natututukan ang mga bata na hindi palaging nasa gadgets or sa internet nalang naglalaro. Marami akong kaibigan na addicted na mga anak nila sa internet sa mga gadgets nila na kapag tanggalin mo sa kanila eh bored na bored na sa life nila hindi na nila alam kung ano ang gagawin nila.
Katulad nalang netong pamangkin ko anak ng bunsong kapatid ni hubby. Dahil wala ang both parents nagtatrabaho ang nanay nasa Dubai ang tatay may trabaho din kaya wala nagisnan na nya ang palaging nasa cellphone nya o di kaya sa computer. Hindi na maawat ni nanay ng byenan ko dahil hindi na makausap kapag kinoconfiscate nya ang phone dahil tinotilerate din naman ng tatay kasi kaya natutuwa ako sa mga anak mo at andyan ka para gumabay sa kanila.
Ganda ng mga lanyards mo ha may names pa, cute.
God bl3ss your family Chy, stay happy always.
Salamat po ate. Yan lang po ang tanging magagawa ko habang kasama ko po sila sa bahay kasi kapag ako na po ang nagwork baka hindi na sila maiwas sa gadgets hehe. Nagiisi pa nga po ako ng pwede nilang paglibangan eh kasi madali rin po mainip lalo na si bunso hehe.
oo nga ganyan mga bata ngayon, musical instruments ukelele or drums para maging into music naman sila.