You are viewing a single comment's thread from:

RE: TagalogTrail: Hurado Edisyon 1

in #pilipinas6 years ago

Naloka ako sa inyong tatlo. Ang kukulit ng mga personalidad niyo at sa totoo lang di ko talaga inaasaahan na mauuwi sa puntong ganito. Nakakahiya hahaha.

So ito na nga. Ang totoo niyan, mahina talaga ako sa paggawa ng titulo kaya minsan pag may naisulat ako, tinatambay ko muna sa Writer Plus. Pag gumawa ako ng tula parati ko talagang inuuna ang laman kasi mas malayang dumadaloy ang ideya dahil wala kang titulong inaalala. Yun nga lang pagnatapos mo na, po-problemahin mo talaga kung anong bagay na titulo kaya halos lahat ng titulo sa mga tulang ginawa ko ay parang mema lang ang dating at wala naman talagang kinalaman dun sa laman hehe.

At tiyaka @toto-ph, tama ang pinsan mong si @junjun-ph na wala naman talaga sa kasarian ang pang-aapi at ipinagtanggol ko rin ang side niyong mga kalalakihan sa isang tulang nagawa ko Toto. Sa relasyon nga kasi kapwa babae at lalaki ang may pananagutan :)

So mabalik tayo dun sa tula, hindi ko napansin na may kulang pala. Gaya ng pagmamahal niya, kulang na kulang hahaha diba sis @lingling-ph? Lahat ng yan ay bunga lang ng mapaglarong imahinasyon ko at pawang walang katotohanan pero sige baka dudugtungan at tatapusin ko. Baka makatulong upang makalimutan ni sis @lingling-ph nang tuluyan ang Henry niya :)