TagalogTrail: Hurado Edisyon 1

in #pilipinas6 years ago

Maligayang Araw!



Nagbabalik na naman si @tagalogtrail para sa isang makulit at nakakatuwang paraan ng pag-feature. Kami bilang curators at tagasubaybay ng mga akda sa wikang Tagalog ay nagkaroon ng masinsinang pag-uusap tungkol sa aming bagong pakulo na kung saan isang tagalog post lamang ang aming bubusisiin, bibigyang paliwanag at sasaliksikin upang himay-himayin sa inyo ang mga magagandang puntos at mga kinakailangang pag-ibayuhin ng manunulat.


At ang aming akdang napili ay ang...

Filipino Poetry : " _______________ ni jennybeans"

Toto : Ayun @junjun-ph at @lingling-ph ang nagustuhan ko dun sa gawa ni JB simple lang yung tula nya. Sa mga salitang ginamit direkta at walang paligoy-ligoy. Sa emosyon naman mararamdaman mo yung sakit na nararamdaman nung karakter. Humuhugot sya mga bes. Tapos yung kalituhan nya at panghihinayang. Parang ikaw lang lingling kay Henry oh! Hahaha.

Junjun : Relate nga dyan si lingling talaga.
Sang-ayon ako sa napansin mo Toto tungkol sa emosyon, matindihan talaga ang hugot ni Jenny. Ang isa ko pa nagustuhan ay ang blankong pamagat ... Sumisimbolo ba ito sa kawalan ng pag-ibig kaya blanko? O baka naman masyado masakit ang karanasan kaya hindi malagyan ng label. Wasakan talaga 💔 mula titulo hanggang laman.

Toto : Yung naging parang challenge lang ay dahil sa sobrang simple lang nya maghahanap ka pa ng ibang salita na maaring gamitin.
Hahhaha grabe ka Junjun wag naman emoji lang. Kaya nga may parang meeting eh. Ano kaya ang nangyari kay Jennybeans ano? Lagi na lang panay hugot ang tula nya. Hahaha! Pero sana may pa spoken word ulit sya ❤

Lingling : Kuya Toto gusto ko na po kalimutan si Henry. Kaya naman bagay na bagay din po sa akin ang naisulat ni sis @jennybeans. Pero isa lang po napansin ko na kulang... hindi po niya nabanggit ang dahilan ng pagkakalabuan nila ni baby boy. At kung ano po mga ibang detalye ng kanilang pagsasama.

Toto : oo ayun din lingling kaya mas maganda kung malalaman pa natin ang mga nangyari. Maki chismis tayo ng bahagya. Pero dahil mag sis na kayo gusto mo ikaw na ang maki usisa lingling?

Junjun : Pero sa akin naman, ayos na sa akin na walang dahilan. Naitawid naman ang emosyon.

Toto : Pero kailangan pa rin mabigyan ng hustisya ang mga lalaki Junjun. Ano lagi nalang tayo inaapi?

Junjun : Wala naman sa kasarian ang pangaapi, Toto.

Toto : Sabagay, ikaw nga junjun inaapi mo kami.

Junjun : Totoo yan, ang kukulit nyo kasi. Back to @jennybeans, ang punto ko, nabusog na ako sa emosyon kahit hindi ko alam ang dahilan

Lingling : Bilang ako din po ay isang babae at dalagang Filipina, mahalaga po para sa akin na malaman ang ibang detalye kung paano nauwi sa ganoon ang kanilang relasyon. Para na din po maiwasan ko na malagay sa alanganing sitwasyon, at para po matutunan ko na agad ang aral. At hindi na po dumaan sa proseso na kailangan ko pa masaktan o malungkot.

Toto : Pero lingling kasama ang sakit sa pag-ibig.

Junjun : Puro sakit ang pag-ibig, asahan na iyan. Hindi talaga mapaghahandaan

Toto : Kung mapaghahandaan edi sana may pa pansit na akong niluto para kay Nene.

Lingling : So, ano po ang desisyon? Let's Vote!

Toto : For me, it's a YES!

Junjun : Definitely a YES!

Lingling : I have to say NO this time.

Toto : Bakit NO?

Junjun : Teka, ano ba pinagbobotohan natin?

Lingling : Si Henry! Kung dapat ko na ba kalimutan?

Toto : Yes pa rin! At isusumbong kita kay Tita.

Junjun : Yes! Na may kasamang palo ng ruler!

Lingling : K, fyn!

At natapos ang usapan na nabigyan ng tig-isang palo ng ruler sa noo sina Toto at Lingling mula sa bully na si Junjun.



Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento, nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

Naloka ako sa inyong tatlo. Ang kukulit ng mga personalidad niyo at sa totoo lang di ko talaga inaasaahan na mauuwi sa puntong ganito. Nakakahiya hahaha.

So ito na nga. Ang totoo niyan, mahina talaga ako sa paggawa ng titulo kaya minsan pag may naisulat ako, tinatambay ko muna sa Writer Plus. Pag gumawa ako ng tula parati ko talagang inuuna ang laman kasi mas malayang dumadaloy ang ideya dahil wala kang titulong inaalala. Yun nga lang pagnatapos mo na, po-problemahin mo talaga kung anong bagay na titulo kaya halos lahat ng titulo sa mga tulang ginawa ko ay parang mema lang ang dating at wala naman talagang kinalaman dun sa laman hehe.

At tiyaka @toto-ph, tama ang pinsan mong si @junjun-ph na wala naman talaga sa kasarian ang pang-aapi at ipinagtanggol ko rin ang side niyong mga kalalakihan sa isang tulang nagawa ko Toto. Sa relasyon nga kasi kapwa babae at lalaki ang may pananagutan :)

So mabalik tayo dun sa tula, hindi ko napansin na may kulang pala. Gaya ng pagmamahal niya, kulang na kulang hahaha diba sis @lingling-ph? Lahat ng yan ay bunga lang ng mapaglarong imahinasyon ko at pawang walang katotohanan pero sige baka dudugtungan at tatapusin ko. Baka makatulong upang makalimutan ni sis @lingling-ph nang tuluyan ang Henry niya :)